Meet the Wife of Vhong Navarro na si Tanya, From 2014 To 2022, For Better or For Worse ang Suporta sa Kanya! - The Daily Sentry


Meet the Wife of Vhong Navarro na si Tanya, From 2014 To 2022, For Better or For Worse ang Suporta sa Kanya!



Photo credit to PEP

Sa gitna ng kontrobersiya na kinakaharap ngayon ng aktor at host na si Vhong Navarro, talaga namang kahanga-hanga ang suporta na ibinibigay sa kanya ng asawang si Tanya Winona Bautista.

14 years nang magkarelasyon at 3 years nang kasal si Vhong at Tanya, na kamakailan lamang ay nagdiwang ng kanilang anibersaryo. Sa kani-kanilang Instagram post ay ipinamalas nila sa isat-isa ang kanilang pagmamahal.

"Maraming salamat Lord dahil binigay mo siya sakin. Pinag isa mo kami para manatiling matatag sa isa’t isa at mag-aalalayan habang buhay. Maraming salamat Mahal dahil lagi kitang nasa tabi sa hirap at ginhawa. Happy 14th Anniversary and Happy 3rd Wedding Anniversary! Iloveyousomuch." ani Vhong.



Photo credit to Instagram and Push ABS-CBN

"Celebrating how God is making our crazy life together stronger and even more beautiful. I love you always, Vhong," post naman ni Tanya.

Photo credit to Instagram and Push ABS-CBN

Hindi mapagkakaila na marami nang pagsubok ang dumaan sa kanilang relasyon. Ngunit sa kabila nang lahat ng kanilang pinagdaanan, pinatunayan ni Tanya na ang pundasyon ng isang matatag na pagsasamahan ay pagmamahal at pagpapatawad.

Naging bukas sa publiko ang nangyaring pagtataksil ni Vhong kay Tanya, dahilan kaya nagkaroon ng kasong kinakaharap si Vhong simula pa noong 2014. Ngunit hindi ito naging dahilan upang sumuko si Tanya at hindi niya iniwan at pinabayaan ang noon ay kasintahan pa lamang niyang si Vhong.

Ani Tanya, si Vhong diumano ang kanyang "Male Version' at isa sa pinakamahalagang regalo sa kanya ng Diyos.

Photo credit to ABS-CBN

Photo credit to Metrostyle

At ngayon ngang humaharap muli sila sa napakalaging dagok ay tila bangungot na para kay Tanya na muling mabuhay ang kaso ng asawa.

Kamakailan lamang ay sumuko at ngayon ay nakapiit sa NBI si Vhong dahil sa kasong isinampang muli ni Deniece Cornejo.


Tulad ng inaasahan, buo ang suporta ni Tanya sa asawa ngunit hindi niya na rin naitago pa ang sakit at pagkabahala sa pinagdaanan ng asawa sa kasalukuyan.

Photo credit to Abante

Ani Tanya, sa kanya lang may atraso si Vhong, pinatawad niya na ito at sa loob ng 8 taon ay bumabawi sa kanya ang asawa.

Pangako naman niya na ilalaban nila ni Vhong ang kaso hanggang sa huli at papatunayan na inosente at walang kasalanan ang asawa.

***

Si Tanya ay kilala rin bilang ' script writer' sa ABS-CBN. Siya ang sumulat ng script ng sikat na teleserye noon na 'Halik' na pinagbidahan nina Jericho Rosales, Sam Milby, Yen Santos and Yam Concepcion.


Source: Push ABS-CBNPTAMA