Mga kontrobersyal na Celebrity 'Cheating' Breakups, Naaalala niyo pa ba? - The Daily Sentry


Mga kontrobersyal na Celebrity 'Cheating' Breakups, Naaalala niyo pa ba?



Celebrity Couples Now And Then | Photos credit to owners

Maaaring para sa ilang showbiz personalities, masayang pagsabayin ang kasikatan at pag-ibig. Ngunit minsan dahil sa kasikatan ay nagiging mitsa rin ito ng pagkasira ng kanilang buhay pag-ibig.

Marami nang celebrity relationships and breakups ang nabalot ng kontrobersiya. Ito diumano ay dahil sa pagtataksil at panloloko na talaga namang gumulat sa mundo ng mga sikat.

Mula sa mga alegasyon lamang hanggang sa paglantad at pag-amin, Narito ang ilang Filipino celebrity cheating scandals na halos hindi malilimutan ng mga netizens:


1. Paolo Contis and LJ Reyes

Photo credit to ABS-CBN

Sino nga ba ang makakalimot sa breakup nina Paolo Contis at LJ Reyes na halos pinag-usapan ng buong bansa noon. Nagsimula ang kanilang hiwalayan ng tahimik lamang hanggang sa may mga lumabas ngang alegasyon na may 'third party' pala sa panig ni Paolo. Nung una ay itinanggi niya ito at sinabing 'As a Friend' lamang ang pagkikita at pagsasama nila ng isang sikat na aktres. Ngunit sa huli, inamin ni Paolo na siya ay nagtaksil at humingi ng tawad kay LJ sa kanyang mga ginawa.

2. Aljur Abrenica and Kylie Padilla

Photo credit to ABS-CBN

Nang maghiwalay sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, nanatili silang tahimik tungkol sa mga detalye nito, hanggang sa isiniwalat ng ama ng aktres na si Robin Padilla na third party pala ang dahilan ng breakup ng dating mag-asawa. Sa panayam kay Ogie Diaz, sinabi ni Robin na ang kanyang anak ang nakipaghiwalay kay Aljur dahil sa pambabae ng huli. Gayunpaman, nangatuwiran si Robin na hindi ito maiiwasan dahil lalaki lamang si Aljur. Dahil sa kanyang salaysay na iyon, umani ng pambabatikos si Robin sa ilang netizens.

3. Gerald Anderson and Bea Alonzo

Photo credit to PEP

Masasabing isa sa pinaka-kontrobersyal na hiwalayan ang nangyari kay Gerald Anderson at Bea Alonzo dahil wala diumanong closure na naganap sa pagitan ng dalawa. Pag-aamin ni Bea, bigla na lang daw hindi nagparamdam sa kanya si Gerald na para bang multo kaya naman nauso mula noon ang salitang 'ghosting'. May mga akusasyon din ng third-party at nadamay nga ang pangalan ng aktres na si Julia Barreto. Bagamat pinabulaan ito ni Julia noon, madalas naman ang kanilang naging parinigan ni Bea sa internet partikular sa Instagram. At matapos nga ang ilang buwang haka-haka ay umamin rin Julia at Gerald sa tunay na estado ng kanilang relasyon.


4. Joshua Garcia and Julia Barretto

Photo credit to ABS-CBN

Noong 2019 pa diumano nagtapos ang relasyong Joshua Garcia and Julia Barretto dahil sa mga lumabas na balitang nangbabae diumano si Joshua at may mga 'leaked private messages' na nakikipag-usap ito sa iba. Pero, nilinaw ni Julia na hindi third party ang dahilan ng kanilang breakup. Subalit, pagkaraan ng ilang buwan, sinabi ng kapatid ni Julia na si Dani Barretto-Panlilio, na niloko raw talaga ni Joshua ang kanyang kapatid.

5. Manny Pacquiao and Jinkee Pacquiao

Photo credit to Philippine Star

Noong 2009, lumabas ang balita na diumano ay may relasyon si Manny Pacquiao at Krista Ranillo na madalas raw makita na magkasama noon. Agad na nabaling ang atensyon ng lahat sa asawa ni Manny na si Jinkee Pacquiao na nakakuha ng simpatiya ng publiko nang magsalita ito tungkol sa pambababae ng kanyang asawa. Hindi malilimutan ang naging pahayag ni Jinky para kay Krista na "I hate her!". Nanatili namang matatag ang relasyon nilang mag-asawa hanggang sa kasalukuyan bagamat aminado si Jinky na "Medyo lumiko lang ng ibang landas" ang asawa noon.

6. Sunshine Dizon and Timothy Tan

Photo credit to GMA Network

Karaniwan, tahimik lamang ang mga celebrities sa gitna ng isyung hiwalayan. Ngunit hindi si Sunshine Dizon, na talaga namang dinala sa korte ang dating asawang si Timothy Tan at diumano ay 'mistress' nito at kinasuhan ng 'concubinage'. Sinubaybayan rin ang kanilang hiwalayan ngunit sa huli ay inurong rin ni Sunshine ang kaso at nagsampa na lamang ng annulment pagkatapos isaalang-alang kung ano diumano ang makabubuti para sa kanilang mga anak.

7. Cesar Montano and Sunshine Cruz

Photo credit to Philippine News

Minsan hindi raw maiiwasan sa mga artista na matapos magsama sa trabaho ay nagkakamabutihan at nagkakaroon ng relasyon. Ganoon diumano ang nangyari kay Cesar Montano nang maging co-star nito ang sexy actress na si Krista Miller. Kasalukuyang asawa noon ni Cesar si Sunshine Cruz. Hindi naman nanahimik at nagpa-api si Sunshine dahil sa kanyang mga Instagram post noon, pinatamaan niya si Miller sa pagpatol sa asawa. Sa huli nagdesisyon rin sa Cesar at Sunshine na tapusin na ang kanilang relasyon.


8. Kris Aquino and James Yap

Photo credit to PEP

Taong 2007 at dalawang taon nang kasal sina Kris Aquino at James Yap nang lumabas ang balita na may relasyon si James sa isang receptionist ng Belo Medical Group. Mabilis naman itong pinabulaanan ng babaeng sangkot dimano na si Hope Centeno. Matapos ang kontrebersyang iyon, nagdesisyon si Kris at James na maghiwalay at ngayon nga may kanya kanya nang buhay pag-ibig.