"Napatakbo tuloy ako ng 15km" Kara David napagkamalang si Jessica Soho habang tumatakbo sa UP campus - The Daily Sentry


"Napatakbo tuloy ako ng 15km" Kara David napagkamalang si Jessica Soho habang tumatakbo sa UP campus




Goodvibes ang hatid ngayon sa mga netizens na napatawa dahil sa isang post ng batikang journalist at host na si Kara David dahil sa hindi niya inaasahang pangyayari habang nagpapawis ito sa loob ng UP Campus, napagkamalan siya ng isang motorista na siya ang kasamahan nitong broadcast journalist at TV host na si Jessica Soho. 


"Habang tumatakbo sa UP Campus, may narinig akong humahabol sa akin at sumisigaw “Jessica! Idol! Jessica!” Tumigil ako, “hindi po ako si Jessica” (pero secretly, kinilig ako kasi idol ko rin si Maam Jessica),"




Kalaunan ay nakilala rin siya ni manong driver bilang palagi siyang napapanood nito sa telebisyon na laging kumakain, ito'y dahil sa Pinas Sarap, isang programa ng GMA Network kung saan siya ang host. Ibinibida dito ang mayaman at masasarap na pagkaing Pinoy. 


Sabay sabi ni manong: “Ay sorry Kara David pala! Ikaw yung host ng mga pagkain. Lagi kang kumakain sa TV. Tama yan maam, jogging ka pa para di ka tumaba. Kain ka kasi nang kain!” 😂 Ayun! Napatakbo tuloy ako ng 15km today dahil kay manong. 




At dahil dyan, manood po kayo ng Pinas Sarap sa Sabado 6:15pm sa GTV (dahil ang hirap mag-exercise 😂😂😂)


***

Source: Kara David

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!