Orihinal na Body Language star na si Pia Moran, binahagi ang nangyari sa kanyang buhay at kung bakit siya nawala ng matagal - The Daily Sentry


Orihinal na Body Language star na si Pia Moran, binahagi ang nangyari sa kanyang buhay at kung bakit siya nawala ng matagal







Halata man na may edad na ay bakas pa rin ang kagandahan sa mukha ng tinaguriang Body Language ng local showbiz na si Pia Moran, kahit may hindi maitagong peklat matapos ang isang aksidente na kanyang kinasangkutan noon.
 
Ayon pa kay Pia, hindi na naibalik pa ng doktor na humiwa sa naging sugat niya noon nang siya ay maaksidente.

 
"Nakagat ko ‘yung labi ko sa lakas ng pagkabangga ng kotse ko, eh. Naoperahan naman pero hindi na naibalik nung doktor na tuluyang humiwa sa naging sugat ko ang lahat. Kaya, ‘eto, naging malaking peklat na lang siya." Balik-tanaw ni Pia
 
Si Pia pala noon ang paboritong leading lady ng yumaong komedyante na si Redford White at Chiquito.
 
Sa artikulo ng PEP noong 2007 ay binahagi ni Pia ang kanyang naging buhay matapos mangyari sa kanya ang aksidente noong 1987.


Larawan mula sa Philstar


 
"Kung sinunod ko siguro ‘yung hunch ko that time, puwedeng hindi ako naaksidente. Kasi, the night before, nilalagnat na ako at masama ang pakiramdam. Pero kailangan kong pumunta dun sa Celebrity Pow. Nung gabi pa lang, nagpaabiso na ako na hindi ako puwede pero kailangan daw ako talagang pumunta. Kaya, nung paggising ko pa lang the following day, iba na ang pakiramdam ko. ‘Yun na pala ang mangyayari..." kwento niya *
 
"Because of that accident, ilang years din akong natengga. And in 1994, nagpunta ako sa Paris, France. Meron akong friend na taga-UNESCO at in-invite niya ako na pumunta doon." Saad pa ni Pia
 
At sa City of LIights, may nakilala daw siyang lalaki na nagpatibok ng kanyang puso at naging kasintahan niya.
 
Pero, dahil marami pa daw siyang gustong gawin sa kanyang buhay ay hindi niya inasikaso ang papel niya para manirahan doon kasama ang nobyo.




 
“Although nung simula, maayos na sana kami. When I came home, naputol ang communications namin dahil merong pumagitna, alam mo na, ‘yung pumigil sa pagpapatuloy ng relasyon." Ani Pia
 
"Depressed na depressed ako noon kahit na matagal na akong naaksidente. Dumagdag pa na nawala ang boyfriend ko. So, tinanggap ko na lang na hindi rin kami meant to be. Hiwalay na lang. Actually, may nakakuha kasi sa akin ng number niya kaya nawala na,"  kwento pa niya*
 
Napakatagal na ring panahon simula ng mawala si Pia sa limelight, may mga pagkakataong lumalabas siya mula sa TV o pelikula ngunit talagang paminsan-minsan at paisa-isa nalang.
 
Hindi na rin nakapag-asawa si Pia kahit pa nagkaraoon siya ng long-term relationship kay Greggy Liwanag noon na dating aktor, at siguro nga ay iyon daw talaga ang nakatakda para sa kanya. 
 
Inamin din niya na muntik na silang magka-anak ni Greggy , pero hindi niya itinuloy dahil sa kanyang career.
 
"Inihingi ko na ng tawad ‘yon sa Panginoon. At ngayon, nilalakasan kong mabuti ang kapit ko sa Kanya. Si Lord na lang ang bahala kung ano ang ibibigay Niya sa akin sa patuloy ko pang magiging kapalaran sa buhay ko ngayon. Happy na rin ako sa buhay ko ngayon, tahimik. Kung bibigyan pa ako ni Lord ng isa pang pagkakataon at this stage, ‘yung mga nawala sa akin, tatanggapin ko. Pero kung wala na talaga, kuntento na ako kung ano ako at meron ngayon." Kwento pa ni Pia
 
Dahil siya ay bunsong anak, si Pia ang naging kasama sa buhay at naging tagapag-alaga ng kanyang ina sa pagtanda nito.
 
Samantala, taong 2021 ay nanawagan si Pia kay Coco Martin para humingi ng tulong na mabigyan siya muli ng pagkakataong bumalik sa industriya  sa pamamagitan ng FPJs Ang Probinsyano.


Matagal-tagal na umanong jobless ang 60-year-old dancer-actress na unang sumikat sa pamamagitan ng pagsasayaw sa awiting Body Language ni Blake Shelton. Ang nasabing hit song ay tumatak kay Pia hanggang sa tagurian siyang Miss Body Language noong dekada-otsenta.