Tignan ang eleganteng mala-palasyong bahay ni "Megastar" Sharon Cuneta, nag-iisa lang sa Pilipinas - The Daily Sentry


Tignan ang eleganteng mala-palasyong bahay ni "Megastar" Sharon Cuneta, nag-iisa lang sa Pilipinas



Larawan mula sa CNN

Marahil karamihan saatin ay inaasam at pinapangarap na palarin na magkaroon ng sariling mala-mansion na bahay upang dito manirahan ng masagana kasama ang masayang pamilya.


Ang pagkakaroon ng malaking tahanan ay isang biyaya at tanda umano ito na ikaw ay nakaangat na sa buhay kumpara sa iba nating kababayan na kailangan pang umupa ng matitirahan dahil walang sariling tahanan.


Kung kaya talaga namang napakaswerte ng mga taong mayroong sariling tahanan na dapat nating ipagpasalamat dahil hindi na kailangang isipin ang bayarin o renta ng tinutuluyang bahay.


Katulad na lamang ng beteranang aktres at singer na si Megastar Sharon Cuneta, na talaga naman na pinalad na mabibiyayaan ng napaka-laking bahay dahil na rin sa kanyang kasipagan sa pagtatrabaho bilang artista.


Maganda ang naging karera ni Sharon sa mundo ng showbiz, madami itong napahanga dahil bukod sa maamo nitong mukha ay talaga namang napaka-galing umarte sa harap ng kamera ni Megastar.

Larawan mula sa preen

Larawan mula sa preen

Dahil hindi waldas at marunong itong pahalagahan ang perang kanyang pinaghirapan ay hindi nakapagtataka na madami itong naipundar na mga ari-arian, katulad na lamang kanyang mala-mansion na tahanan na nakatayo ngayon sa Mandaluyong.


Si Sharon ay masyadong pribado ang buhay at hindi niya masyadong pinapaalam sa publiko ang nangyari sa kanyang buhay marahil ay para rin sa kanyang siguridad ng kanyang mga mahal sa buhay.


Bihira lamang na magbahagi si Megastar tungkol sa nangyayari sa kanyang buhay kung kaya naman naging usap-usapan matapos isinapubliko ang kanyang bahay sa Mandaluyong kung saan doon siya tumutuloy ngayon kasama ang pamilya.

Larawan mula sa preen

Larawan mula sa preen

Ayon sa balita, ang bahay ni Sharon na ito ay tinatawag ng kanyang mga kakilala na "The Fortness".


Sa mga ibinahaging larawan ay mapapansin ang nagtataasang pader na nakapaligid sa kanyang bahay na hindi mo magagawang masilip kung ano ang nasa loob. 


Ito ay may dalawang palapag na guest house na puwedeng magkasiyahan kung mayroong bisita na hindi naiistorbo ang "Megastar".

Larawan mula sa preen

Larawan mula sa preen

Kakaiba ang bahay ng aktres dahil gumamit ng "bamboo curtain" sa kanyang naglalakihang bintana kung saan hindi pa umano ito ginagamit sa Pilipinas.


Makikita sa pagpasok palang ng pinto ang napaka-gandang Sunburst and Cherub Sculpture na galing umano sa Paris


Mapapansin din na punong-puno ang bahay ng arts na tila nga personal collection ni Sharon.

Larawan mula sa preen

Larawan mula sa preen

Larawan mula sa preen

Maliban sa pag-arte at sa kanyang pagkahilig sa musika ay mahilig din si Sharon mangolekta ng mga naggagandahang paintings.


Sa kanyang dining room naman ay kapansin-pansin ang kanyang mahabang lamesa na may maraming upuan at magandang chandelier na talaga namang nagbibigay ng elegenteng dating ng bahay.


Mahilig din magluto itong si Megastar kung kaya makikita ang kanyang napaka-ganda at maluwang na kitchen room.

Larawan mula sa preen

Larawan mula sa preen

Sa labas naman ng mala-palasyong bahay ni Sharon ay napapalibutan naman ng magagandang halaman at mayroon din itong swimming pool na nakakarelax tignan.


***