Tongs na naiwan sa isang kubeta, winindang ang isipan ng netizens online - The Daily Sentry


Tongs na naiwan sa isang kubeta, winindang ang isipan ng netizens online



Photo Credits: Crazy Memes
“Pag ayaw lumubog, i-take out!”

Iyan ang napakalaking palaisipan na wumindang sa isip ng mga netizen sa social media matapos i-post ng Facebook page na 'Klasik Titos and Titas of Manila' ang larawan ng tongs na pangsipit ng pagkain na nakasabit sa isang inodoro.

Pumukaw pansin ito online dahil ang tongs ay gamit sa kusina na madalas ginagamit pang-ipit o panguha sa mga pagkaing niluluto lalo na tuwing nagpiprito.




Kaya naman umapaw ang komento ng post na ito dahil sa caption ng nasabing page sa litratong ito. Ito ang ilan sa mga ito:

"NO LEFT OVER POLICY."

"Para pala sa pagkuha yan, kala ko ginagamit sa pag prito."

"Sharon all you can."

"Para sa staff. pangkuha ng tissue para ilagay sa garbage bag."

"Embutido in my pocket."

"Bring your own plastic bag."

“Baka pampulot sa mga gamit na tissue paper na hindi nai-swak maigi sa basurahan hahaha.”



Ikaw, ano sa tingin mo ang gamit ng tongs na ito?



Source: 1