Toni Rose Gayda, matinding pagsubok sa buhay pala ang nilagpasan. Sobrang blessed sa kanyang inang si Rosa Rosal. - The Daily Sentry


Toni Rose Gayda, matinding pagsubok sa buhay pala ang nilagpasan. Sobrang blessed sa kanyang inang si Rosa Rosal.



Matapos ang 18 taon sa noon time show na Eat Bulaga! Kamusta na kaya ang host na si Toni Rose Gayda. Paano nagsimula ang kanyang career at paano nito nalagpasan ang paghihinagpis ng isang ina matapos pumanaw ang kanyang bunsong anak.

Si Toni ang nag-iisang anak ng sikat na aktres at dating governor ng Philippine National Red Cross na si Rosa Rosal.




Inilihim nito na isa siyang artista upang ma-iwas sa isyu at kontrobersya ang anak na si Toni Rose. Ayaw rin nitong pasukin ng nag-iisang anak ang showbiz dahil baka hindi nito kayanin ang buhay sa industriya.

Kalaunan ay nalaman rin ni Toni na isa pa lang sikat na artista ang inang si Rosa at hindi na rin napigilan ang pagpasok nito sa showbiz.

Toni Rose Gayda | CTTO

Toni Rose Gayda | CTTO



Unang nakilala bilang endorser ng sabon na Camay bago pasukin ang pag-aartista hanggang sa nadiskubre ang husay sa hosting at mula noon ay iba't ibang TV shows na ang pinangunahan nito gaya ng "Lunch Date" at ang kanyang pinakamatagal na naging tahanan na "Eat Bulaga!"

Lumaki ng walang ama si Toni Rose at tulad ng ina ay hindi rin nagtagal ang relasyon nito sa kanyang napangasawa, ngunit nagkaroon naman sila ng dalawang anak na lalaki.

Toni Rose Gayda | CTTO


Toni Rose Gayda | CTTO



Sa kasamang palad ang kanyang bunsong anak na si James ay namatay noong 2010. Aksidente itong nahulog mula sa ikaapat ng palapag habang naninigarilyo sa kanilang balcony.

Nakausap pa nila ito at nadala sa ospital ngunit doon na binawian ng buhay.

Binalot pa ng kontrobersya ang pagkamatay nito na siyang nakadagdag sa hinanakit ni Toni ngunit dahil sa pananampalataya at tulong ng mga kaibigan gaya ni Ali Sotto ay nalagpasan niya ang pagsubok na ito.

Toni Rose Gayda | CTTO


Toni Rose Gayda | CTTO



2014 nang lisanin nito ang longest noon time show na Eat Bulaga!

Itinutuon ngayon ni Toni Rose ang kanyang buhay sa pag-aalaga sa kanyang ina at nais rin nitong tumulong sa simbahan sa pamamagitan ng paggbibigay ng payo sa mga single parent o mga ina na nawalan ng anak.

May mga mabigat mang pinagdaanan. marami pa rin gustong gawin at matulungan si Toni Rose na siyang isang ugali raw na minana nito sa ina.

Mensahe niya rito, "I'm so blessed to have you as my mom. Talagang lahat ng kabutihang meron ako ay galing sa'yo." -Toni
Toni Rose Gayda | CTTO

Toni Rose Gayda | CTTO