Vice Ganda pumalag sa 'pausong' balita ng TV5 tungkol sa kanila nila ni Marian Rivera: Kadiri, Super yuck! - The Daily Sentry


Vice Ganda pumalag sa 'pausong' balita ng TV5 tungkol sa kanila nila ni Marian Rivera: Kadiri, Super yuck!




Hindi pinalagpas ng Unkabogable at Phenomenal Box office Star na si Vice Ganda ang hindi niya nagustuhang kumakalat na balita, kung saan inere pa mismo sa national television ng isa sa mga kilalang istasyon sa bansa, ang tungkol umano sa away nila ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. 


Iprinisenta ni Gretchen Ho, isa sa mga News anchor ng TV5 morning news program na 'Frontline sa Umaga' ang balitang inalmahan ni Vice kung saan sinasabing natuldukan na raw ang dating isyu na iringan sa pagitan nila ni Marian. 



"Natuldukan na ang isyung iringan nina Vice Ganda at Marian Rivera, spotted kasing sweet na sweet ang dalawa sa isang party," ani ni Gretchen.


"Magkayakap, magkahawak kamay at nagtatawanan! Ganyan ka clingy sina Vice Ganda at Marian Rivera sa Ball ng isang Fashion Magazine," balita ni Mj Marfori, ang TV host-writer ng TV5.


"Dinig ding pinuri ni Meme ang aktres. Nagpapicture din ang TV Host kay Marian. Matatandaang nagka-gap ang dalawa nang okrayin ni Vice ang grammar ni Marian," dagdag nito.


Matatandaang nagkita ang dalawang malalaking bituin mula sa magkatapatang istasyon sa ginanap na Preview Ball kung saan halatang tila nag-ala fan girl si Vice nang masilayan ang ganda ng kapuso actress. 


Kaya di malaman ni Vice kung saan kinuha ang source sa balitang ipinalabas ng nasabing istasyon at naglabas ito ng kanyang saloobin sa kanyang official twitter account.  


"Ha??????!!!!!!!!!!! San galing ang balitang to??????  Nagkaissue kami? Iringan??!!!!! Pauso! Yuck! Super yuck! Mema???!!!,"






Agad namang nagbigay komento si Gretchen Ho sa tweet ni Vice. 


“Hi Vice, will investigate and send this to our producers,” reply nito.


Ngunit ayaw paawat ng komedyante na idinawit ang kanilang pangalan at magandang pagkakaibigan nila ng aktres sa balitang wala namang umanong katotohanan. 


"Super kadiri yung mga balitang mema! Eeeooooowwwwww!!!!  Clickbait???!!!! Fake news????!!!! TAE!,"


Kasama ring nag-react dito ang nagbalita ng isyu na si MJ Marfori na tila hugas kamay sa isyu. 





“Also, hindi ko story ito. @vicegandako,” tweet ng reporter with matching laughing emoji. 


Binanatan ito ng komedyante na halatang hindi nasiyahan sa komento ni MJ.


 “Also, hindi ko trip ang emoji mo! May nagjoke po ba?”  


Humingi naman ng paumanhin ang reporter at aniya'y wala raw itong intention na maka-offend kay Vice. 


Sa nasabing party, wagi bilang isa sa mga “Most Influential” awardee si Vice habang si Marian naman ay isa sa mga “Life-Peg” awardee. 




Pinupuri ng komedyante ang actress na siya umano para sa kanya ang “most beautiful celebrity”. Dagdag pa nito mukhang laging mabango ang kilikili ni Marian dahil sa kaputian ng kutis nito na talaga namang fresh na fresh.


***

Source: Bandera

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!