Lalaking nagkatrangkaso, hindi inasahan ang dalang prutas na bigay ng kaibigan - The Daily Sentry


Lalaking nagkatrangkaso, hindi inasahan ang dalang prutas na bigay ng kaibigan



Photo credits: Justine Reyes | FB

Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging maalalahanin hindi lang sa ating mga pamilya ngunit maging sa iba din. Hindi maitatanggi na isa ito sa isang magagandang katangian na tunay namang nakakatutuwang makita sa bawat isa.

Kaya naman kinagilawan sa social media ang post ng binatang si Justine Reyes kung saan ipinakita niya ang kakaibang kulitan at lambingan nila ng kanyang kaibigang nagkasakit kamakailan.

Ang kanyang post ay umani ng libo-libong reaksyon online dahil sa nilalaman ng palitan nila ng mensahe ng kaibigang si John Paul Reyes, 23 taong gulang, mula sa isang bayan sa Bulacan.

Mababasa ang pangangamusta ni Justine ang kaibigang natrangkaso at nagsabing dadalaw siya at hahatiran ito ng prutas. Ngunit walang kamalay-malay si John Paul na niyog pala ang prutas na balak dalhin nito para sa kanya.

Photo credits: Justine Reyes | FB

“May sakit po kasi tropa ko sabi ko dalahan ko sya ng fruits. Sakto may nakita po ako niyog sa bakuran na isipan ko yun ang madala trip lang din po hindi ko naman akalain na magva-viral pa yung trip ko,” pahayag ni Justine sa Balita online.

Ayon pa sa binata, paborito talaga umano nilang pagtripan magbabarkada si John Paul sa tatlong taon nilang pagkakaibigan.

Samantala, umabot na sa mahigit 41,000+ shares ang post na ito.


Source: 1