Dani Barretto, may Ibinunyag tungkol sa yumaong aktor na si Rico Yan! - The Daily Sentry


Dani Barretto, may Ibinunyag tungkol sa yumaong aktor na si Rico Yan!



Photo credit to GMA and TikTok

Dalawampung taon na ang nakalilipas mula ng pumanaw ang aktor na si Rico Yan. Noong March 29, 2002 pumanaw ang aktor sa Dos Palmas Resort sa Puerto Prinsesa, Palawan dahil diumano sa cardiac arrest due to acute hemorrhagic pancreatitis. Siya ay 27 taong gulang lamang noon.

Ngunit tila sariwa pa rin sa puso at isip ng mga netizens, lalo na ng kanyang fans at mga naging mahal sa buhay ang kanyang alaala.

Isa na rito Si Dani Barreto, panganay na anak ni Marjorie at pamangkin ni Claudine na dating kaloveteam at kasintahan ni Rico Yan.


Kamakailan ay nagpost ng isang live video si Dani kung saan nagkuwento siya ng mga alaalang hindi niya diumano malilimutan patungkol sa pumanaw na aktor. Maraming netizens ang naantig sa video na iyon ni Dani dahil hindi lingid sa kaalaman nang nakararami na naging malapit ito sa binata bilang pamangkin ni Claudine.

Photo credit to TikTok

Photo credit to TikTok

Matatandaang nabahiran ng intriga at kontrobersiya ang pagkamatay ni Rico dahil si Claudine ang sinisi diumano dito, na umabot sa isyung pinagbawalan siyang bumisita sa burol ng aktor.

Napabalita kasi noon na hiwalay na ang dalawa kaya hindi kasama ni Rico si Claudine sa Palawan, sa halip, mga kaibigan nito ang nakasama sa mga huling sandali ng kanyang buhay.

Pero totoo ang kasabihang pinaghihilom ng panahon ang lahat ng mga sugat dahil maganda na ang relasyon ni Claudine sa naulilang pamilya ni Rico.

Kaya naman hindi marahil malimutan ng pamangkin ni Claudine na si Dani ang magagandang alaala ng aktor sa kanilang pamilya noong bata pa siya, dahilan kaya niya ibinahagi ang video.

Photo credit to TikTok

Naibunyag ni Dani na si Rico pala minsan ang naghahatid at nagsusundo sa kaniya mula sa paaralan, kapag pumapasok siya.

"Si Tito Rico, I have really fond memories of him. He used to bring me up to school, pick me up at school, tapos sinasama niya ako sa badminton niya", kwento ni Dani.

Si Rico rin ang raw ang nagturo sa kaniya kung paano kumain ng prutas na strawberries.

Photo credit to TikTok

Dagdag pa ni Dani, minsan ay natutulog raw siya sa condo nito, na malapit lang din sa kanilang paaralan. Kapag nasa taping umano ang kaniyang Tita Claudine ay naiiwan silang dalawa ng kaniyang Tito Rico.



Photo credit to TikTok

"At one point yung school ko katabi lang ng condo nila ng tita ko, so I would sleep there constantly. Minsan pag nasa taping yung Tita Claudine ko, naiiwan kaming dalawa ni Tito Rico.", aniya.

Bilang pag-alala ay ibinahagi rin ni Dani ang mga larawan niya noong bata pa siya kasama ang pumanaw na aktor.