Misis binulaga ni mister! Huli sa aktong nag-zizipper kasama ang lalakeng nagkakabit lang daw ng kurtina. - The Daily Sentry


Misis binulaga ni mister! Huli sa aktong nag-zizipper kasama ang lalakeng nagkakabit lang daw ng kurtina.



Huli sa akto ng mister na si Alex Morales ang kanyang misis sa kanilang tahanan na may kasamang lalaki na walang suot pang-itaas at nakunan pa ng video habang si misis ay nag-zizipper.

Dali-daling lumipad pauwi ng Davao si Alex ng makarating sa kaniya ang balitang may lalaki raw na palaging pumupunta sa tahanan nila ni misis.




Hindi naman ito kaagad naniwala kaya't tinanong muna niya ang misis na si Ruhayma Morales kung totoo ang balitang may pumapasok na lalaki sa kanila ng dis-oras ng gabi.

Inamin naman ito ng babae at sinabing nagkakabit lang daw ng kurtina ang lalaking iyon.

Dahil sa sobrang pagaalala at hindi na halos makatulog kakaisip sa kanyang nalaman. Nagpaalam si Alex sa kanyang amo at agad na umuwi mula sa kanyang trabaho sa Maynila pauwi ng Davao.

Raffy Tulfo in Action | YouTube

Raffy Tulfo in Action | YouTube


Matapos ang mahabang byahe ay nakarating din sa kanilang lugar si Alex. Nagtataka ito dahil nakapatay ang ilaw. May kutob na ito na nasa loob ang nasabing lalaki na nagkakabit ng kurtina, kaya ine-ready na nito ang kanyang cellphone para mag-video.

"Buksan niyo 'to!" sigaw daw ni Alex. Pagbukas ng pinto ay tumambad sa kanya ang tila nabulabog niyang misis at isang lalaki na boyfriend daw nito.

Nagpang-abot ang dalawang lalake ngunit mabilis daw nakatakbo sila Ruhayma at ang boyfriend nitong security guard na si Jamsla Fiscal.

Raffy Tulfo in Action | YouTube

Raffy Tulfo in Action | YouTube


Dahil sa eskandalo ay nagising ang anak ni Alex, niyakap siya nito at inawat. Habang yapos-yapos ang anak ay nahipo niya na napakataas ng lagnat nito. Dito na napahagulgol ng todo ang pinagtaksilang ama.

Hindi raw ito ang unang beses na panloloko ni Ruhayma kay Alex, sa katunayan ay tinanggap rin niya ito at sinusustentuhan pa ang anak ni babae sa ibang karelasyon.

Dumulog para humingi ng tulong ang mister na si Morales sa tanggapan ng Raffy Tulfo in Action at desidido itong kasuhan ang misis at kuhanin na lang ang kanyang mga anak.

"Kahit anong sabihin mo hindi na'ko makipagbalikan sayo. Gusto ko na lang makulong ka." sambit ng nagrereklamong si Alex.
Raffy Tulfo in Action | YouTube