Dating sexy star Bridgette De Joya, mas mapait na karanasan ang sinapit bago makalaboso dahil sa ipinagbabawal na gamot. - The Daily Sentry


Dating sexy star Bridgette De Joya, mas mapait na karanasan ang sinapit bago makalaboso dahil sa ipinagbabawal na gamot.



Si Michelle Comstock o mas kilala bilang Bridgette De Joya ay isang dating sexy actress na bumida sa mga pelikulang "Kangkong" at "Gigil".

14 taong gulang pa lang ito nang maenganyong pasukin ang mundo ng pagpapaseksi at kalaunan naman ay napang asawa nito ang kapwa aktor na si Miguel Moreno at nagpasyang tumigil na sa kanyang pag-aartista.




July 2013 nang kumustahin ni Korina Sanchez sa programa niyang Rated K ang buhay may bahay ni Bridgette. 16-anyos ito ng maging ina at nagsimulang bumuo ng pamilya. Masaya naman daw ang dating seksi star sa kanilang mga unang taon ng pagsasama ngunit nagbago ang lahat matapos ang 3 taon.

Aniya, pagkapanganak nito at paguwi nila galing sa ospital ay pinagbuhatan na agad siya ng kamay ng kanyang asawa.

Bridgette De Joya | Facebook Public Photos

Bridgette De Joya | Facebook Public Photos


"After 2 years medyo okay okay pa, nandun na kami sa 3rd year namin kasi dumating na yung baby namin eh! Pagkapanganak ko pa lang as in galing pa lang kami ng hospital, sinakäl niya ko nun!" pahayag nito.

Pangungulila ang naging kasunod nito sa dating sexys star ng Seiko films, inilayo na raw kasi ng asawa niya sa kanya ang kanyang mga anak.

Bridgette De Joya | Facebook Public Photos

Bridgette De Joya | Facebook Public Photos


Maaga itong namulat at humarap sa mga hamon ng buhay. Kasama na riyan ng madiskubre niya ang isang malubhang karamdaman na dumagdag sa kanyang paghihirap.

Nagkaroon ng stage 2 breast canc3r si Bridgette. Nakaramdam ito ng labis na pananakit sa kanyang dalawang dibdib.

Mabigat man sa kalooban ang kanyang mga sinasapit, hinarap nito at nilabanan ang sakit kasabay ng kanyang pangungulila sa kanyang mga anak.

Bridgette De Joya | Seiko Films

Bridgette De Joya | Seiko Films


Upang matustusan ang kanyang pagpapagamot ay nagbebenta siya ng cellphone case sa palengke. Makalipas ang mahigit isang taon ay gumaling ito, nagsimulang tumubo uli ang kanyang buhok at nawala ang nararamdamang sakit sa dibdib.

2018 nang muling mapagusapan si Bridgette, ngunit hindi maganda ang balita. Naaresto ang dating aktres o alyas "Tisay" kasama ang kanyang live-in partner na si Bong dahil sa ipinagbabawal na droga.

Nasamsam ang walong pakete ng ebidensya sa ibabaw ng kanilang lamesa sa kanilang tinutuluyan sa Pampanga.
Bridgette De Joya | Rated K

Bridgette De Joya | Rated K



Himas rehas ngayon ang dalawa sa piitan. Gayunpaman, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Bridgette na muling makasama ang mga anak. Ito lamang aniya ang makapagbibigay sa kanya ng lakas ng loob para makayanan ang kanyang pinagdadaanan.

"Marami pa po akong balak sa buhay ate. Diko lang alam kung paano pa gagawin dahil ganito yung ginagawa samin dito(kulungan)." umiiyak na sambit ni Tisay.

Bridgette De Joya | Rated K

Bridgette De Joya | Rated K