Fiancée ni Jovit Baldivino, nagbigay ng emosyonal na liham para sa yumaong singer - The Daily Sentry


Fiancée ni Jovit Baldivino, nagbigay ng emosyonal na liham para sa yumaong singer



Nagbigay ng emosyonal na liham si Camille Ann Miguel para sa kanyang yumaong fiancée na si Jovit Baldivino.
Camille Ann Miguel and Jovit Baldivino / Photo credit to the owner

Ibinahagi ni Camille ang kanilang larawan ni Jovit habang sinasabi ang sakit nang biglaang pagkawala ng kanyang pinakamamahal.

Ipinost ito ni Camille kahapon, December 13 bago ang araw ng libing ng singer.

Aniya, ito ang ikinakatakot niyang araw dahil hindi na niya muli pang makikita ang kanyang fiancée.
Camille and Jovit / Photo credit to the owner
Camille and Jovit / Photo credit to the owner

Love bukas na yung araw na kinatatakutan kong mangyare [cyring emojis] bukas na yung araw na ihahatid ka namin sa bago mong uuwian [cyring emojis],” sabi ni Camille.

“T*n*g i*a sobrang sakit, sobra, sobra… Alam ko sa sarili kong di ko kaya eh kaya sobrang laking panibago sa buhay ko ngayon na gigising akong wala ka, matutulog akong wala ka, hirap asawa ko.

“Pano ko unti-unti babaguhin ang nakasanayan kong alagaan ka araw-araw di ko kaya mag- Pasko, mag bagong taon ng ganito. Walang kasing lupet ang nangyareng to!!!!! Alam kong lahat tayo ay dadating sa ganyan pero p*ta*ng in* naman sobrang aga,” dagdag nito.
Camille and Jovit / Photo credit to the owner
Camille and Jovit / Photo credit to the owner

Nangako rin si Camille na hindi umano niya pababayaan ang pamilya ni Jovit.

Asawa ko, sobrang mamimiss kita. Alam mo kung gaano kita kamahal higit pa sa buhay ko. Mahal na mahal na mahal po kita ‘di magbabago hanggang sa huli… Kahit anong mangyare ‘di ko pababayaan pamilya mo dahil alam ko kung gaano mo sila kamahal. Wala kang kasingbuti asawa ko, hanggang sa muli love ko,” aniya.
Jovit Baldivino / Photo credit to the owner

Si Jovit ay nakilala bilang singer nang sumali at magwagi siya sa unang season ng Pilipinas Got Talent noong June 13, 2010.
Jovit Baldivino / Photo credit to the owner

Huling napanood sa TV si Jovit noong Nobyembre 28, 2022 bilang isa sa mga contestant ng Family Feud.


***