Whamos at Antonette, namakyaw ng P3 milyon halaga ng ginto! Perang pambayad nakalagay lang sa paper bag. - The Daily Sentry


Whamos at Antonette, namakyaw ng P3 milyon halaga ng ginto! Perang pambayad nakalagay lang sa paper bag.



Umabot sa tumataginting na P3 milyon ang mga pinamiling ginto ng mag-partner na sina Whamos Cruz at Antonette Gail.

Sa kanilang social media account, ibinahagi ng dalawa ang kanilang pagpunta sa isang store kung saan nila kukuhanin ang mga alahas na kanilang binili online at upang alamin ang halaga ng mga ito.




Kabilang sa mga binili ni Whamos ang gold chain na nagkakahalaga ng P1.3 million, diamond-studded white gold bracelet na P500,000, isa pang bracelet na P200,500, diamond necklace na P431,000, gold bangle na P285,000 at pares ng gold earrings na P265,000.

Ang mga nakakalulang presyo na ito ay nadaan sa tawanan at tawaran hanggang sa napagbigyan ang hirit ng vlogger na isarado sa P3 milyon ang halaga ng lahat ng kanilang nagkursunadahang mga alahas.
 

Whamonette | Facebook


Whamonette | Facebook


Matapos ang negosasyon ay inamin ni Whamos na P2 milyon lang ang kanilang dalang pera, kaya naman muli itong nakiusap na kung puwede ay ibalik na lang nila ang kulang na 1 million pesos.

Muli namang pumayag ang may ari sa pakiusap ng magkasintahan at natawa pa nga ito dahil hindi makapaniwala nang ilabas nila ang perang pambayad mula sa isang paper bag ng isang sikat na fast food chain.

Whamonette | Facebook


Whamonette | Facebook



"Taray ah! Naka-Greenwich lang yung pera nyo?" "Nandun lang talaga yung pera nyo?" nagtatakang tanong ng alahera.

Nilinaw naman ni Whamos na hindi pagmamayabang ang pagsasapubliko nila ng kanilang mga pinamili. Bagkus ay gusto raw niyang magbigay inspirasyon at ipaalam ang kahalagahan ng pag-iinvest.

Ang perang pinambili nila rito ay galing raw sa kinita nila sa kanilang mga negosyo at ang mga alahas na ito ay balak din nilang ibenta sa takdang panahon.

Whamonette | Facebook

Whamonette | Facebook