Marcelito Pomoy, nagbahagi ng kanyang mensahe para sa namayapang kaibigan na si Jovit Baldivino - The Daily Sentry


Marcelito Pomoy, nagbahagi ng kanyang mensahe para sa namayapang kaibigan na si Jovit Baldivino



Ginulat ng marami ang biglaang pagpanaw ng singer na si Jovit Baldivino, 29, dahil sa aneurysm kaninang 4:08 ng madaling-araw, December 9, 2022, sa Intensive Care Unit ng Jesus of Nazareth Hospital sa Batangas City.
Marcelito Pomoy and Jovit Baldivino / Photo credit to the owner

Ngayong Biyernes ay nagbahagi ng kanyang mensahe si Pilipinas Got Talent 2nd season Grand Winner at singer na si Marcelito Pomoy para sa namayapang kaibigan.

"Parekoy…. 3:33AM this morning pinipilit ka pa naming kausapin at gisingin baka magmilagro pa… sobrang sakit mawalan ng isang kaibigan.. ikaw yong taong unang sumuporta sa laban ko sa PGT.. pahinga ka na… no more pain parekoy… isa kang tunay na kaibigan… hinding hindi kita malilimutan…," saad nito sa kanyang caption sa Facebook.

"From the day na tinakbo ka sa ICU… pinuntahan agad kita.. talked to the family if we can raise funds for you.. if we can do concert for a cause for you but its too late now… contacted all the generous and people with a big heart all over the world to help you parekoy… thank you so so much to all those who helped Jovit… thank you for being with us during Jovit’s fight," dagdag pa nito.


Bumuhos ang pakikiramay sa pamilyang naulila ni Jovit mula sa kanyang mga kaibigan at tagahanga na nahihirapang tanggapin ang katotohanang wala na siya.

May you rest in peace. Your memories will remain in my hearts forever and to all your love ones and fans,” Facebook post ng dating manager ni Jovit na si Joy Maranan.
Jovit Baldivino / Photo credit to the owner
Jovit Baldivino / Photo credit: PEP

Si Jovit ay nakilala bilang singer nang sumali at magwagi siya sa unang season ng Pilipinas Got Talent noong June 13, 2010.

Huling napanood sa TV si Jovit noong Nobyembre 28, 2022 bilang isa sa mga contestant ng Family Feud.


***