Rendon Labador may banat kay Dennis Padilla, "Ang dami namang mura dyan eh, ba't dyan ka kasi nagpunta?" - The Daily Sentry


Rendon Labador may banat kay Dennis Padilla, "Ang dami namang mura dyan eh, ba't dyan ka kasi nagpunta?"



Hindi napigilang pumalag ng social media motivational speaker na si Rendon Labador kay beteranong aktor na si Dennis Padilla nang ireklamo nito ang laki ng bill nila sa isang seafood restaurant sa Seaside Pasay City.

Kamakailan kasi ay naglabas ng saloobin ang artista ukol sa kinainan nilang restaurant dahil sa mahal ng presyo ng bilihin dito. 




Hindi umano makatarungan ang halaga ng mga pagkain dito tulad ng lobster na umaabot sa P5,500 ang kada kilo. Ultimo ang kanyang inumin na parang ordinaryo lang naman na mango shake ay P450 ang isang order.

Kasama ang kanyang bestfriend na balikbayan na siya umanong nagbayad ng kanilang bill, dismayadong ipinakita ng 60-anyos na si Padilla ang kanilang resibo kung saan nakatala ang kanilang total bill na P38,868.

dennisastig | IG

dennisastig | IG


Sanay naman daw silang magbayad ng mahal pero minabuti pa rin ni Dennis na magbigay paalala sa lahat at manawagan sa Department of Tourism para suriin ang nasabing restaurant sa Pasay.

Dahil sa viral video na ito, naglabas ng pahayag ang fitness instructor na si Labador sa kanyang Facebook page.

"i-Base natin ang TASTE natin kung ano lang ang AFFORD natin."

dennisastig | IG

Rendon Labador | Facebook


Iginiit din nito na mali raw ang mga pilipino sa paniniwalang "customers is always right" kadalasan daw kasi "customers are entitled" hindi raw nagtatanong tapos pagdating ng malaking bill saka magrereklamo.

May respeto at hinahangan naman daw ni Rendon ang artistang si Dennis pero hindi sa pagkakataong ito. "Let’s be fair sa mga negosyante din! Sa dami ng kumain diyan ikaw lang nag reklamo" ani Labador.

Rendon Labador | Facebook



dennisastig | IG