Kampo ni Alex Gonzaga, nagsalita na tungkol sa isyu: "Hindi siya lasing. Kaibigan at kabiruan nila si Allan" - The Daily Sentry


Kampo ni Alex Gonzaga, nagsalita na tungkol sa isyu: "Hindi siya lasing. Kaibigan at kabiruan nila si Allan"




Marami ang nagalit at hindi nakapagtimpi laban sa pinakitang ugali ng sikat na vlogger na si Alex Gonzaga dahil sa "nakapa-insensitive" at "hindi makataong trato" nito sa isang waiter na pinahiran niya ng chocolate icing sa noo. 


Sa kabila ng walang patid na pambabatikos ang natanggap ng aktres, binasag na ng kampo nito ang pananahimik hinggil sa isyu. 


Binigyang linaw na sa pamamagitan ng pahayag na inilabas ng isang publicist at kaibigan ng pamilya Gonzaga na si Peter Ledesma, ang totoong dahilan at kwento sa likod ng kontrobersiyal na video at kung bakit ganon na lamang ang inasal ni Alex sa isang staff ng restaurant noong ipinagdiwang nito ang kanyang 35th birthday. 



Ayon sa entertainment reporter, matagal ng kakilala ng pamilya Gonzaga lalo na ni Alex at ng kanyang ina na si Mommy Pinty ang waiter. 


“Favor, may I clear MJ, the issue regarding Alex Gonzaga viral birthday bash video and the waiter Allan.


“This Allan, one of the waiters of Florabel Resto and Catering Service in Valle Verde Pasig, is a friend of Mommy Pinty Gonzaga and Soriano Family. Kaya majority of the event of Gonzaga and Soriano Family ay sila ang kinukuha ni Mommy Pinty na mag-cater ng food and beverages. 


Dagdag pa ni Ledesma, dahil narin sa palagi na sila ang kinukuha sa mga okasyon at mga selebrasyon ng pamilya, hindi na bago sa kanila ang magkabiruan. 


“At itong si Allan ay laging kabiruan na ni Mommy Pinty and Alex at ito ang parating nagse-serve sa kanila. Kaya tuwing nagkikita ay binabati agad ni Allan ang mag-mommy, magiliw ito sa kanila,"



Inulan ng samot saring reaksyon at mga komento ang "nakakabastos" na pagtrato ng aktres sa waiter, pero pagtatanggol ni Ledesma,


“Hindi naman magagawa ni Alex ang magbiro at magpunas ng cake, kung hindi sila magkakilala ng said waiter, na sanay na sa pagiging mapagbiro at kikay ni Alex.


“This is the side of Mommy Pinty na higit na nakakaalam ng istorya ng anak. And one more thing ay hindi totoong lasing si Alex na tulad ng pinalalabas ng kanyang detractors and bashers.”


***

Source: PEP

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!