Lechon Naletse: Ginang nagulantang sa nabiling lechon; duguan at hilaw na nga, may laman-loob pa! - The Daily Sentry


Lechon Naletse: Ginang nagulantang sa nabiling lechon; duguan at hilaw na nga, may laman-loob pa!



Viral sa social media ang post ng isang ginang matapos niyang ibahagi ang mga larawan ng lechong baboy na nabili niya noong nakaraang holiday season.
Photo credit: Michelle Halasan

Labis labis ang pagkagalit at pagkadismaya ni Michelle Halasan dahil nasayang lamang ang P13,500 na bayad nito sa lechong inorder. Hindi lang kasi ito hilaw, duguan at may laman-loob pa.

Ayon kay Michelle, may nag-ooffer daw sa kaniya na taga-lugar lamang nila.

“May nag-offer sa akin dito sa amin nasa 60 kilos daw. ₱12k tapos + ₱1500 sa magle-lechon daw. Pumayag ako dahil sa bukod sa malapit lang dito, nagdadala siya sa amin dito ng mga baboy na katay para pang-ulam, regular costumer na niya kami,” sey ni Michelle ayon sa ulat.
Photo credit: Michelle Halasan
Photo credit: Michelle Halasan

Ngunit hindi raw kinaya ni Michelle nang ideliver na ang lechon, at hilahin na ang nakasuksok na tubong ginamit sa pagluto. Umagos daw ang dugo ng baboy mula sa loob. Nang hiwain daw ito ay talagang hilaw pa.

“Nung hiniwa, hilaw na hilaw pa talaga siya. Tapos nung hinati ‘yung upper part mula leeg at ulo ay may naiwan pa doon na lamang-loob na hilaw,” aniya pa.

Tanong niya sa publiko: "Okay lang kaya na bawiin ko 'yung 1500 para dun sa hiningi nila na para daw sa maglelechon?"
Photo credit: Michelle Halasan
Photo credit: Michelle Halasan

Sa halip na itapon ay muli nilang nilechon ang baboy at tumagal umano ng anim na oras ang kanilang proseso bago ito natusta at naluto.

"Di ako talaga maka-move on. First time ko magpa-lechon tapos ganito nangyari," sambit pa ng ginang.
Bumuhos naman ang mga reaksiyon at komento ng mga netizen.

“Nakuuu… nabudol kayo madam damontres na maglelechon yan me gawa niyan dapat siya lechonen.”
Photo credit: Michelle Halasan

“Sa balat pa lang di pantay-pantay ang luto parang sunog-sunog ang ibang bahagi. Di marunong maglechon gumawa niyan.”

“Minadali na lang niluto… malakas ang apoy niya kaya ganiyan sunog na yung balat niya.”

“Baka mamaya niyan kinulayan na lang ng barnis para lang masabing naluto…”

“Kakaloka, manloloko sila. Bawiin mo yung binayad mo!”

Samantala, wala pang update si Michelle kung nabawi ba niya ang perang ipinambayad sa nag-lechon, o maging ang kaniyang napagbilhan.


***