"Hindi pwedeng magreklamo kasi pwede siya matanggal sa trabaho": Nakakaiyak na mensahe para sa mga tatay na waiter - The Daily Sentry


"Hindi pwedeng magreklamo kasi pwede siya matanggal sa trabaho": Nakakaiyak na mensahe para sa mga tatay na waiter





Talaga namang mainit na usap-usapan ngayon sa social media si Alex Gonzaga matapos nagviral ang video niya sa kanyang ika-35 na kaarawan.


Sa video ay makikita na hawak ng isang waiter ang isang cake at pagkatapos i-blow ni Alex ang kandila ay agad niyang nilagyan ng icing ang noo ng waiter.


Samut-sari ang naging reaksyon ng mga netizens sa naging asal ni Alex at karamihan ay nakisimpatya sa waiter.


Viral ngayon ang isang Facebook post ni Nico David tungkol sa mensahe niya sa waiter. Aniya, nagtatrabaho ng marangal ang waiter tapos bigla na lang pahiran ng cake. "Life is very unfair. Pero wag naman din sana tayong maging UNFAIR sa TATAY ng iba", dagdag niya.


Narito ang kanyang buong post:


Imagine your father works as a waiter..

12 hours of work, kasama na doon maipit sa

trapik papunta pabalik sa daily commute nya.

yung sahod more or less minimum wage.

He is doing his job para mapag aral at mapkain ka..

tapos bigla siyang papahiran ng CAKE ng 

Artistang ENTITLED dahil sikat at mayaman.

Hindi siya pwede mag reklamo kasi pwede siya matangal sa trabaho. 

He has to just put a smile. 

habang ung mga guest noong artista pinagtatawanan siya.

Life is very unfair.

pero wag naman din sana tayong maging UNFAIR sa TATAY ng iba.

A little EMPATHY goes a long way.