Cristy Fermin kay Alex Gonzaga: "35-anyos ka na pero wala ka pa ring pinagkatandaan" - The Daily Sentry


Cristy Fermin kay Alex Gonzaga: "35-anyos ka na pero wala ka pa ring pinagkatandaan"



 


Usap-usapan ngayon si Alex Gonzaga matapos nagviral ang video niya sa kanyang ika-35 na kaarawan.


Makikita sa video na hawak ng isang waiter ang isang cake at pagkatapos i-blow ni Alex ang kandila ay agad niyang nilagyan ng icing ang noo ng waiter.




Marami ang hindi natuwa sa asal ni Alex at isa dito ang batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin.


Sa kanyang showbiz vlog, inihayag ni Cristy ang pagkadismaya niya sa ginawa ni Alex. 


“Hindi pupwede nating ginagawang laro ang buhay, Alex. Hindi lahat makikisakay sa laro mo. 35-anyos ka na pero wala ka pa ring pinagkatandaan. ‘Yun lang ‘yun. 35 years old ganyan, ganyan ang kilos. Hindi tama ‘yan,” aniya.


“Akala kasi niya, aliw na aliw sa kanya ang lahat ng nanonood ng vlog niya. Hindi, wala lang sigurong masabi. Nu’ng una kinatutuwaan siya pero ngayon, kinatutuwaan pa ba siya ngayon? Hindi na, malaki na ang pagkakaiba. ‘Yun ang malinaw do’n. Habang tumatagal ang panahon, habang tayo’y nagkakaedad, dapat iniipon natin, pinupulot natin ang mga leksyon ng buhay na ating nadadaanan,” dagdag ni Cristy.