Rendon Labador binanatan si Alex Gonzaga: "Wala kang pinag-aralan" - The Daily Sentry


Rendon Labador binanatan si Alex Gonzaga: "Wala kang pinag-aralan"



 


Viral ngayon si Alex Gonzaga matapos kumalat ang video niya sa kanyang ika-35 na kaarawan.


Makikita sa video na hawak ng isang waiter ang isang cake at pagkatapos hipan ni Alex ang kandila ay agad niyang nilagyan ng icing ang noo ng waiter.


Marami ang hindi natuwa sa asal ni Alex at isa dito si Rendon Labador na isang social media personality.


Ayon sa kanya, walang respeto si Alex sa ginawa niya sa waiter. "Respeto lang sana tayo, kahit waiter si kuya wala kang karapatang gawin yan. Entitled ka masyado!", ayon kay Rendon.


Dagdag niya, walang pinag-aralan si Alex at hanggang vlog lang daw ang artista. "Walang pinag-aralan si Alex, hanggang vlog lang siya."