Xian Gaza, inaming ginamit lamang ang ex-girlfriend noon: Walang choice, kailangang kumapit - The Daily Sentry


Xian Gaza, inaming ginamit lamang ang ex-girlfriend noon: Walang choice, kailangang kumapit



“Desperate times, desperate measures” 

Sa isang Youtube “Exclusive Tell-All Interview” ng content creator na si Chino Liu o mas kilalang ‘Krissy Achino’, inamin ng social media personality na si Xian Gaza na ‘ginamit’ lamang niya ang kaniyang ex-girlfriend noon na si Irish Tan.
Xian Gaza and Irish Tan / Photo credit to the owner

Kuwento ni Gaza, nagtagal ang kanilang relasyon ng 11 buwan, simula July 2018 hanggang June 2019.
At nang tanungin kung “totoong minahal niya ba talaga ang dalaga?”

“Let’s be honest, sobra to a point na mahal ko siya at the same time kailangan ko siya kasi during that time walang-wala talaga ako,” sagot ni Gaza.

Kwento pa niya, si Irish umano ang gumastos sa lahat ng kaniyang mga pangangailangan katulad na lamang ng pagkain, luho, at bisyo simula August hanggang September 2018 bago siya lumipad papuntang Singapore. 
Irish Tan / Photo credit to the owner
Irish Tan / Photo credit to the owner

“Sobrang nakakababa, parang feeling ko tae ako pero no choice ako. Kapag dumating ka sa punto na kahit pagkain pinoproblema mo, yung pang araw-araw pinoproblema mo. Wala kang choice kailangan mong kumapit,” aniya.

Aminado si Gaza na wala umano siya sa tamang pag-iisip dahil sa tinataguang warrant of arrest noon– na naging dahilan ng kaniyang depresiyon. 
Xian Gaza and Irish Tan / Photo credit to the owner
Xian Gaza and Irish Tan / Photo credit to the owner

“Wala sa tamang hulog ang pag-iisip ko that time, nilalamon ako ng depresyon. Imagine pugante ako nagtatago ako sa Pilipinas dahil mayroon akong warrant of arrest tapos walang-wala ka sa buhay. So yung line of thinking ko that time hindi talaga tama,” ani Gaza.

“I cheated on her tapos ginamit ko rin siya, aminado ako,” diretsahang sagot ni Xian.

Paliwanag niya, kaya siya nagloko dahil nalaman umano niya ang totoong trabaho ni Irish at hindi niya ito matanggap.
Xian Gaza and Irish Tan / Photo credit to the owner
Xian Gaza and Irish Tan / Photo credit to the owner

“Minahal ko siya, tanggap ko kung sino siya, yung pagkatao niya pero hindi ko matanggap kung ano siya,” ani Gaza.

Ang trabaho umano ng kaniyang ex-girlfriend ay magbenta ng kaniyang mga hubad na larawan online, at sigurado rin umano siya dito dahil siya mismo ang nag-ooperate sa mga mismong clients nito.
Xian Gaza  / Photo credit to the owner
Xian Gaza and Irish Tan / Photo credit to the owner

“Noong nalaman ko ang totoo niyang trabaho, parang hindi ko na matanggap pero doon sa point na hindi ako umi-exit sa kaniya dahil hindi ko na matanggap yung work niya, I can say ginamit ko siya,” paglalahad ng online personality. 

“100% kahit mamatay pa ang mga mahal ko sa buhay right now, dahil nakita ko mismo dahil ako nag-ooperate ng mga clients niya, and everything dahil kami ang magkasama sa abroad habang work niya ‘yon,” saad niya.
Xian Gaza  / Photo credit to the owner

Nang tanungin naman siya kung ano ang kaniyang naging plano nung mga oras na iyon, “Kapag nagkapera ako, eexit ako sa buhay niya. Well desperate times desperate measures, siya lang yung meron ako during that time na hampaslupa ako; itsura ko, image ko, walang-wala akong pera and everything. Walang papatol sa’kin maliban sa kaniya, so kinailangan kong mag-stay at kumapit sa kaniya.”

Panoorin ang full interview sa ibaba:


***
Source: Balita