Mga batang bumili ng damit sa ukay-ukay, sorpresang regalo pala sa kaarawan ng kanilang nanay. - The Daily Sentry


Mga batang bumili ng damit sa ukay-ukay, sorpresang regalo pala sa kaarawan ng kanilang nanay.



Kabutihang loob at malaking respeto sa kanilang mga magulang ang ipinamalas ng mga batang ito sa larawan, dahil sa kanilang murang edad pa lang ay kinakitaan na sila kung papaano tumanaw ng utang na loob. 

Masasalamin sa kanilang ginintuang puso ang klase ng pagpapalaki sa kanila ng kanilang mga magulang. Kaya naman isang magandang sorpresa ang naghihintay sa kanilang nanay.




Sa viral post ng ukay-ukay (thrift shop) vendor at owner na si Sarah Alexandrea Daculap, isang magandang buena mano ang naghihintay sa pagbubukas ng kanyang munting tindahan sa Palawan.

Umagang-umaga sa Puerto Princesa ng ito'y naghihintay ng customer ay kapuna-puna ang dalawang batang lalaki na naghahalungkat at naghahanap ng damit sa hilera ng mga damit pang babae!

Sa pagtataka ni Sarah ay nilapitan niya at tinanong ang dalawang bata kung ano ang partikular na hinahanap nito.

Sarah Alexandrea Daculap | Facebook

Sarah Alexandrea Daculap | Facebook


Dito na niya napagalaman na regalo pala para sa kaarawan ng kanilang nanay na pulis ang sadya sa tindahan ng dalawa.

Namangha ang may-ari at tindera ng ukay-ukay kaya naman malugod nitong tinulungan ang mga bata sa pamimili ng damit.

Kung kadalasan ay mga magulang ang nagreregalo sa mga anak, sa pagkakataong ito kahit simple at mumurahin lang ang nakayanan ng mga batang ito ay siguradong lubos na kagalakan ang hatid nito sa kanilang ina.
Sarah Alexandrea Daculap | Facebook

Sarah Alexandrea Daculap | Facebook