Dismayado ang isang mamimili matapos harangin at hindi palabasin ng guwardiya ng isang grocery store sa Muntinlupa.
Wala naman daw siyang kinuha o ninakaw pero kahit inirereklamo na nito ang kumakalan niyang sikmura at kinakailangan ng umuwi dahil sa gutom ay ayaw pa rin siyang pauwiin hanggat hindi niya inilalabas ang lahat ng laman ng kanyang bag.
"Pinagbintangan ako nang Puregold Muntinlupa na may nilagay sa bag ko at ayaw akong pauwiin kahit gutom na ako hangang di nakikita ang lahat nang nasa bag ko sa huli napahiya sila.Laging nasa puso ko ang sinabi nang lolo ko na si Felino Neri Sr. na "I may not leave you millions but a good name is worth more than money,take care of it INTEGRITY.HONESTY.FAiTH"
Hope Marco Neri Yutuc | Facebook
Hope Marco Neri Yutuc | Facebook
Isang walang lamang botelya ng deodorant ang bitbit ng napagbintangang si Hope Marco Neri Yutuc. Aniya nilabas niya ito sa bag para malaman na tama ang kanyang bibilhin.
Nang makuha ang tamang produkto ay muli nitong ibinalik ang walang lamang deo sa loob ng bag. May resibo at nabayaran pa nito ang biniling item ngunit nanaig ang hinala ng babaeng security kaya hinarang at kinompronta ang mamimiling si Marco.
Dismayado man sa nangyari ay pinatunayan nito na wala siyang kinuha at kampanteng binulatlat at ipinakita ang laman ng kanyang bag.
Hope Marco Neri Yutuc | Facebook
Hope Marco Neri Yutuc | Facebook
Bagamat humingi ng pasensya ang sumitang guwardiya sa kanya ay nagngingitngit pa rin sa galit ang mga netizens dahil sa kahihiyang inabot ng 60-anyos na mamimili.
Payo nila, dapat daw ay ireklamo nito ang babaeng civilian guard dahil arogante daw ito at mali na nagbintang agad ng walang sapat na ebidensya.
Naiwasan daw sana ang pangyayari kung pagpasok pa lang ay sinuri na nilang maigi ang bag ng mamimili at minarkahan ang deodorant bitbit nito.
Wala pa namang napapabalitang sagot sa isyu ang pamunuan ng Puregold Muntinlupa.
Hope Marco Neri Yutuc | Facebook
Hope Marco Neri Yutuc | Facebook
Source: Hope Marco Neri Yutuc | Facebook