Sen. Robin Padilla: ‘Wala kayong mahanap na butas sa akin’ - The Daily Sentry


Sen. Robin Padilla: ‘Wala kayong mahanap na butas sa akin’



 


‘WALA KAYONG MAHANAP NA BUTAS SA AKIN’


Iginiit ni Sen. Robin Padilla na puro umano kasinungalingan at personal na pambabatikos ang ibinabato sa kanya ng kanyang mga kritiko dahil wala silang mahanap na tunay na isyu laban sa kanya.


Aniya, nauuwi na lamang umano sa pagtawag sa kanya ng “bobo” at “tanga” ang mga batikos.


“Humanap naman kayo ng totoong ibabanat n’yo sa akin. Puro kasinungalingan eh. Kasi wala kayong mahanap na butas sa akin.”


Dagdag pa ni Padilla, wala umano siyang kinalaman sa pagnanakaw.


“Pero pagdating sa pagnanakaw, zero ako!”


Ang pahayag ay binitiwan ni Padilla bilang tugon sa mga patuloy na kritisismo laban sa kanya.


SEN. ROBIN, PABOR SA PAX SILICA


Nanindigan si Sen. Robin Padilla na hindi dapat pigilan ang pagpasok ng mga dayuhang investor sa Pilipinas, kasunod ng mga usapin sa Pax Silica.


Ayon kay Padilla, ginagawa rin umano ito ng mga karatig-bansa tulad ng Singapore, Vietnam at Malaysia upang makahikayat ng mga dayuhang mamumuhunan.


“Hindi ko maintindihan kung bakit itong Pax Silica ay ginagawang issue. Dapat yan ay pinapayagang pumasok at magnegosyo sa atin. Dapat hindi pigilan.”


Ipinaliwanag ni Padilla na ang pagpasok ng mga dayuhang investor ay hindi nangangahulugang sasakupin ang bansa.


“Hindi po ibig sabihin na sasakupin tayo. Kung tayo ay sasakupin, ako po ang unang lalaban diyan.”


Binanggit din ng senador ang kanyang naging posisyon sa isyu ng International Criminal Court (ICC), kabilang ang alegasyong siya umano ang tumulong sa pagtakas ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na kanyang itinanggi.


“Nung tayo ay sinasakop ng ICC, ako ang lumaban diyan. Ginawan pa ako ng issue na pinatakas ko daw si Bato. Hindi totoo yun.”


Sa huli, binigyang-diin ni Padilla ang umano’y epekto ng mga investor sa ekonomiya at trabaho:


“Tandaan po ninyo, pag merong investor, may trabaho. Pag may trabaho, may sweldo.”