Babaeng binanatan ang lolang walang laban, nakunan - The Daily Sentry


Babaeng binanatan ang lolang walang laban, nakunan




Nakunan sa video ang walang habas na pananakit ng isang babae sa lolang walang kalaban-laban. 

Huling-huli ang walang pusong pananakit ng naturang babae sa lola habang pwersahan nya itong hinahatak papunta sa kanilang bakuran.

Base sa ibinahaging video ng Facebook page na PINOY KAHIT SAAN, marahil kuha ng kanilang nag-aalala at nagmamalasakit na kapitbahay ang nasabing video na kumakalat ngayon.

Kung susuriin, tila pilit na pinagwawalis ng bakuran ng walang awang babae ang uugod-ugod na matanda. Ngunit nang mapansin nyang hindi ito makakilos ng maayos, ay bigla nitong hinampas sa mukha ang hirap gumalaw na lola.

Dahil sa ginawa ng mapanakit na babae, napahawak sa mukha ang nanghihinang matanda habang mistulang dumadaing ito sa sakit.

Habang pinaalis ng di pa nakikilalang babae ang lola ay kapansin-pansin ang pangangapa nito sa kanyang dinaraanan habang nakahawak sa mukha dahil sa iniinda nitong sakit.

Hinala ng mga netizen, natamaan ang mata ng lola.

Source: omgbalita