Lalaking nag-shopping sa ukay, naka-jackpot ng maraming pera mula sa damit - The Daily Sentry


Lalaking nag-shopping sa ukay, naka-jackpot ng maraming pera mula sa damit




Sumambulat sa isang lalaki ang limpak-limpak na pera habang sya ay namimili sa isang ukay-ukay.

Laking gulat ng isang lalaki nang bumulaga sa kanya ang napakalaking halaga ng pera.

Dahil sya ay nagmamay-ari ng tindahan ng mga damit, namimili sya ng mga panahon 'yon ng kanyang mga damit na ibebenta nang biglang mangyari ang hindi inaasahan.

Tumambad sa kanya ang napakalaking halaga ng pera mula sa mga damit na nabili nya ng bultuhan sa ukay-ukay.

Natagpuan ng lalaki ang pera sa bulsa ng damit kung saan naroon ang wallet na naglalaman ng malaking halaga.

Gusto man daw nyang hanapin ang may-ari, tila imposible na itong mangyari dahil sa kawalan ng impormasyon sa wallet na nakita nya sa damit.

Dahil dito, napag-isipan na lamang daw ni Adam na gamitin ang tila hulog ng langit na pera upang mas mapalago pa nya ang kanya mismong sariling negosyo.

Nakilala ang lalaki na si Wan Mohamad Adam na mayroon pag-aaring tindahan ng damit sa Malaysia.

Source: KAMI