Isang Babae Limang Piso Lamang ang Binayad sa Taxi Driver - The Daily Sentry


Isang Babae Limang Piso Lamang ang Binayad sa Taxi Driver



Photos compiled from Friendy Tenoria / Facebook
Ang mga taxi driver ang isa sa mga tao na ating matatawag kung tayo ay wala ng masakyang bus o kaya naman ay jeep, sila din ang pwede natin takbuhan kapag late na tayo sa ating trabaho o sa klase, at marami pang iba.

Ngunit nakakalungkot isipin na mayroong ibang tao pa din ang nang-aabuso sa mga taxi driver katulad na lamang ng isang babae na nagviral sa social media.

Isang video clip ang nagviral kamakailan lamang matapos nitong ipakita ang isang babae na sumakay sa isang taxi na nagbayad ng limang piso sa taxi driver kahit ilang metro at malayo pa ang kanilang binyahe para makapunta sa sinabing pupuntahan ng babae.
Photo credit: Friendy Tenoria / Facebook
Makikita sa video clip ang paghingi ng pasensya ng babae habang ang taxi driver naman ay hinayaan na lamang ang babae at pinalabas na sa kaniyang taxi kahit na ito ay inis na inis na dahil sa sobrang layo nga naman ng kanilang binyahe, limang piso lamang ang ibinigay nito.
Photo credit: Friendy Tenoria / Facebook
Sa kabilang banda, marami sa ating mga netizens ang nag4lit din sa babae. Ang ilan sa kanila ay sinabi na sana hindi na lamang sumakay ang babae kung wala itong pangbayad at ang iba naman ay sinasabi na dapat ibinaba na ito sa police station.
Photo credit: Friendy Tenoria / Facebook
Photo credit: Friendy Tenoria / Facebook
Ngunit, mayroon ding ibang netizen ang nagsasabi na pagpasensyahan na lamang ang babae dahil ito ay mukhang naloko habang ang iba ay sinasabi na nakakasiguro sila na mas malaki pang blessing ang dadating sa taxi driver.

Panoorin ang video sa ibaba:
Narito ang ilang komento ng ating mga netizens:

Source: Friendy Tenoria / Facebook