Medical Grad, Tinanggihan ang Malaking Opurtunidad para lamang Alagaan ang kaniyang Ama - The Daily Sentry

Saturday, September 7, 2019



Medical Grad, Tinanggihan ang Malaking Opurtunidad para lamang Alagaan ang kaniyang Ama



Photos compiled from Instagram / Faiq Syukri
Karamihan naman sa atin ay may pangarap, pag-asa, at hangarin na nais nating makuha. Ngunit, may iba sa atin ay maaaring makamit ito, mayroong iba na kailangan magsakripisyo para sa kanilang mahal sa buhay. Si Faiq Syukri ay desidido na maging doctor at sa pagiging abala sa pagtingin at pangangalaga sa kaniyang may s4kit na ama.

Ginawa niya ang desisyong ito matapos makaranas ng str0ke ang kaniyang ama limang taon na ang nakalipas. Si Syukri ay isang medical graduate sa Royal Collage of Surgeons sa Dublin, Ireland. Nagtatrabaho siya bilang financial advisor ngayon, si Syukri ay ginawa ang desisyon dahil hindi niya maatim na makita ang kaniyang ina na humahawak mag-isa ng responsibilidad sa pag-aalaga sa kaniyang ama pati na rin sa kaniyang mga kapatid.

Sabi niya sa Harian Metro.

“After graduating in 2017, I was offered to work at Batu Pahat Hospital. I requested to postpone my career so that I could focus on my father. But I decided to stop working as a doctor all together.”
Photo credit: Instagram / Faiq Syukri
Ang kaniyang naging desisyon ay nagkaroon din ng pagpuna at panghuhusga mula sa marami, ngunit siya ay talagang nagpapasalamat dahil ang kaniyang pamilya ay laging nasa likod niya lamang. Ang makita ang kaniyang ina na inaalagaan ang kanilang pamilya ay isa sa dahilan kung bakit siya ay nagpasya na umalis sa kaniyang trabaho.
Photo credit: Instagram / Faiq Syukri
Para sa kaniya, ang magtrabaho bilang financial advisor ay nagbibigay sa kaniya ng kalayaan upang manatili sa tabi ng kaniyang ama at makakita ng pera para pang suporta niya sa kaniyang mga kapatid.
Photo credit: Instagram / Faiq Syukri
Siguro, marami sa mga taong nakapaligid sa atin ang hindi makakaintindi at makakaunawa sa dahilan ng mga pagpipilian na ating tinatahak, ngunit, kung ang intensyon naman natin ay malinis, sigurado na ito ay magkakaroon ng magandang kahihinatnan. Hindi din natin kailangan ang mga sinasabi ng ibang tao na nakapaligid sa atin, dahil sapat na ang suporta na binibigay ng ating pamilya sa mga desisyon na ating ginagawa.

Narito ang mga komento galing sa mga netizens:

Source: Instagram / Faiq Syukri, World of Buzz