Ito Na Pala Ang Buhay ni Paula Peralejo Matapos Iwan ang Showbiz - The Daily Sentry


Ito Na Pala Ang Buhay ni Paula Peralejo Matapos Iwan ang Showbiz



Larawang pinagsama mula sa Google
Si Paula Peralejo ay isang sikat na actress na gumanap ng napakaraming role sa mundo ng Pinoy Movies at mga teleserye. Pero sa ngayong estado ng showbiz, bigla-bigla na lang etong nawala sa linya ng pag-arte. Ang tanong, saan na kaya si Paula at ano na kaya ang buhay na tinutungo ng actress pagkatapos nya sa mundo ng showbiz?

Ang aktres na si Paula ay ipinanganak noong June 29, 1984 at may edad na 35 ngayong 2019. Ang buo nyang pangalan ay Maria Elena Paula Baustista Peralejo-Fernandez. Kapatid eto ng isa ring sikat na aktres na si Rica Peralejo na naging matinee idol noong 90s.

Unang lumabas eto sa telebisyon sa programang “Ang TV” ng ABS CBN, at nagkaroon ng unang pelikula noong 1995 na pinamagatang “Sarah..ang munting Prinsesa”. Noong 1997 naman, napabilang sya sa Star Circle Batch 4 at napasama sa cast ng “Gimik”.
Larawan mula sa Youtube
Nang nagtapos ang Gimik, napabilang naman sya sa mga cast na gumaganap sa “Tabing Ilog” at ginampanan ang role bilang si Anne noong 1999.
Larawan mula sa RD
Saan na nga ba si Paula Peralejo pagkatapos neto? Nang iniwan nya ang mundo ng showbiz, kumuha sya ng kurso na minor Tourism sa University of the Philippines (UP), at nagtapos noong April 26, 2008 na may nakuhang karangalan bilang isang Magna Cumlaude.

Siya ay nakapangasawa noong February 23, 2013 kay Charlie Fernandez na ikinasal sa Sanctuario de Santo Cristo sa San Juan.
Larawan mula sa RD
Sa ngayon, siya ay namamahala ng kanyang travel agency business na Our Restless Feet Travel and Tours. Eto ay dahil na rin sa dedikasyon nilang magasawa para sa kanilang pamilya.
Larawan mula sa Youtube
Bukod dito, meron din syang travel blog na kung saan ipinapakita doon ang kanyang mga destinasyon. Sa latest update, naabot nya ang matagal na nayang gusting gawin; ang puntahan ang 81 probinsya ng Pilipinas.
Larawan mula sa Youtube
Ang mag-asawa ngayon ay namumuhay ng normal at masaya kasama ang knilang anak.

Source: Youtube