Ito na pala ang dating Goin’ Bulilit Child Star na si Eliza Pineda, ang laki na ng pagbabago niya - The Daily Sentry


Ito na pala ang dating Goin’ Bulilit Child Star na si Eliza Pineda, ang laki na ng pagbabago niya



Larawang pinagsama mula sa Eliza Pineda/Instagram
Marami na ding mga artista sa industriya ng showbiz ang dumadating at umaalis. Ang iba ay mas pinipili na manatili habang ang iba naman ay pinipili na lamang umalis kahit na sila ay nasa kalagitnaan na ng kanilang pagsikat.

Mabuti na lamang mayroon pa ding ibang mga artista na pinalad sa karera na kanilang tinahak at patuloy na nagbibigay ng positibong pakiramdam sa kanila,

Isa na nga sa mga artista na iyo ay si Maria Eliza Pineda Bautista o mas kilala bilang Eliza Pineda na isa sa mga naging child star sa ABS-CBN noon at hinahangaan din ng marami bilang isang teen star ngayon.

Noong 2000's, isa sa mga naging top child star si Eliza at nasama din siya sa ilang mga TV series na talaga namang sikat noon.

Ilan lamang sa mga serye sa telebisyon ang ginampanan ni Eliza ay ang "Maria Flordeluna" at "Kung Fu Kids."
Larawan mula sa Eliza Pineda/Instagram
Isa din si Eliza sa mga child star na sumali sa reality gag show na "Goin Bulilit."

Ngunit, si Eliza ay nakakontrata at isa na rin sa mga GMA artists matapos maipakita ang kaniyang talento sa pag-arte noon sa Kapamilya Network bilang isang childstar sa Star Magic at ang mga training at ang pagiging hasa sa pag-arte na kaniyang nakuha sa ABS-CBN.
Larawan mula sa Eliza Pineda/Instagram
Makikita si Eliza sa ilang proyekto at ilang mga TV guesting sa GMA network.

Si Eliza din ay dating angelic face at ngayon ay malaki ang kaniyang ginanda na halos nga hindi mo na makikilala ang isang charming at cute na childstar noon.

Si Eliza din ay abala sa paggawa ng ilang mga photoshoots para sa men's magazine base sa isang ulat sa isang online entertainment portal.

Hindi din makikita na humahadlang ang pamilya ni Eliza sa daan at desisyon na tinahak na ito. Sa katunayan, ang kaniyang ina ay ang isa mga sumusuporta sa kaniya pati na din sa mga desisyon na kaniyang ginagawa.
Larawan mula sa Eliza Pineda/Instagram
Hindi rin naging hadlang kay Eliza ang hindi masyadong paglabas sa mga pelikula at TV series kumpara sa mga naging kasamahan niya sa ilang shows sa kabilang network noon ang pagkakaroon ng maraming followers sa kaniyang social media account.

Sa ngayon ay mayroon ng mahigit na 160,000 followers si Eliza sa kaniyang Facebook account. Siya din ay nagpost ng isang litrato sa kaniyang account na nagpapakita ng kaniyang naging transpormasyon bilang isang child star noon na ngayon ay isa ng maganda at charming na dalaga.

Source: Recovery Crate