Regine Velasquez Nakaranas ng Hindi Maganda sa Isang Louis Vuitton Store sa New York - The Daily Sentry


Regine Velasquez Nakaranas ng Hindi Maganda sa Isang Louis Vuitton Store sa New York



Larawang pinagsama mula sa PEP at Remate
Noong dalaga pa si Regine Velasquez nagkaroon siya ng hindi magandang karanasan sa Louis Vuitton store sa New York katulad na lamang ng isang eksena sa Pretty Woman, ang blockbuster movie na ginampanan ni Julia Roberts noong 1990.

Sa Pretty woman, matapos pumasok ni Vivian Ward, ang karakter na ginampanan ni Julia, siya kaagad ay nakaranas ng diskriminasyon na ginawa ng isang high-end boutique sa Beverly Hills, Los Angeles, California.

Nagpakita ng hindi kanais nais na attitude ang mga salesclerk sa boutique kung saan hindi nila pinapansin o inaasikaso man lang si Vivian dahil lamang sa paraan ng kaniyang pananamit at kaniyang hitsura. Matapos ng nangyari, siya ay nagpatulong sa isang rich businessman na si Edward Lewis na ginamapanan naman ni Richard Gere na kung saan tinulungan siya nito na magkaroon ng isang complete transformation. Matapos noon, bumalik siya sa store at ipinamukha sa mga salesclerk ang ginawa nito sa kaniya.

Ang eksena na naganap sa Pretty Woman ay ang siya ding naging karanasan ni Regine na kaniyang ibinahagi sa kaniyang YouTube Channel.

Kwento ni Regine,

“The story was I went to New York to find this particular shoes.
"I went to Louis Vuitton, yun yung may pinakamalaking Louis Vuitton.
“I went, I was so excited, kasi tour yun, e, so I couldn’t wait to go to New York to get this freaking shoes.
"And when I got there, nakita ko na, nandoon sa display.
“Sa umpisa pa lang, sinabi agad sa akin, wala akong size… hindi ako binilhan [binentahan].
“Sabi ko, 'Can I at least try them on?' Sabi ng guy, ‘No!’ Sabi talaga… ganoon.
"Na-discriminate agad ang lola niyo so na-depress ako nang very, very light."


Dagdag pa niya,

“I went to Neiman Marcus. Katapat lang ni Louis Vuitton si Neiman Marcus.
"Si Neiman Marcus, maraming branded shoes.
"Nagwala ako doon, ang ending ko, ang iniuwi ko ay twenty pairs of shoes kasi na-depress ako!
“Kasi may nakilala akong black guy...
"Again, I was being discriminated. No one was making me pansin.
"Yung lahat sila, nagsusukat. Walang pumapansin sa akin.
"Until this guy came to me and then he said, ‘Do you need help?’
“Parang maiiyak ako, ‘Yes, I need help.’
“So, lahat ng itinuro ko, binili ko talaga, so ang happy niya.
"Super happy siya samantalang yung ibang buwisit na nandoon, nagtitinginan sila, kasi yung mga ibang nagsusukat doon, walang binili, ‘te.”


Matapos bumili ng 20 pares ng sapatos sa Neiman Marcus, naging Vivian Ward si Regine dahil bumalik siya sa Louis Vuitton store para sa sapatos na gustung-gusto niya.

“Anyway, pagkatapos kong bilhin yung twenty pairs, pumunta uli ako sa Louis Vuitton.
“Nung marami na akong bitbit, pinapasok ako sa loob ng Louis Vuitton at nabili ko siya.
“‘Yan ang story ng Louis Vuitton shoes na ito," sabi ni Regine habang hawak-hawak ang sapatos na tinutukoy niya.
"But, you know, it’s okay, kasi I don’t think you should feel bad kapag nadi-discriminate ka.
"You go back and, like, kick some ass!”


Source: PEP