Lalaki dismayado sa kanilang order na Moana Cake, Naging Wakanda! - The Daily Sentry


Lalaki dismayado sa kanilang order na Moana Cake, Naging Wakanda!



Larawang pinagsama mula sa Facebook/Roger Joseph Samulyev Voskovich
Ang kaarawan ng isang tao ay isa sa pinakamahalagang kaganapan sa kanyang tanang buhay. TUlad ng binyag, kasal, at tagumpay, ang kaarawan ay nagsisilbing pag-gunita kung kelan ka iniluwal sa mundo. Sa makatuwid, idinadaos ang kaarawan ng may kasamang pagpapahalaga sa maraming klaseng bagay tulad ng pagbibigay ng regalo, pagpapakain, at pagninilay sa pwedeng gawin sa kinabukasan.

Kadalasan, ang kaarawan  lalong lalo nan g mga bata ay may katambal na pagbibigay ng kasihayan sa ibang bata tulad ng pagpapalaro, at pagpapakain. Syempre, hindi nawawala dito ang pag-order ng cake. Pero ano ang gagawin mo kung sakaling ang iyong inorder na cake ay hindi tumugma sa iyong inaasahan?

Sa isang social media, nag viral ang pinagawang cake ng isang lalaki na ihahandog sana para sa kaarawan. Ngunit namangha eto sa iprinesinta sa kanya. Talga namang namangha sya hindi dahil sa eto ay napakaganda, ngunit ng dahil eto ay malayo sa inaasahan nya. Kung baga, masasabi nyang masyadong malayo sa reyalidad ang cake.
Screenshot mula sa Facebook/Roger Joseph Samulyev Voskovich
Si Roger Joseph Samulyev Voskovich ay ibinahagi sa Facebook ang nasabing cake na tila may halong pagkadismaya. “Moana po inorder namin hindi WAKANDA,” pahayag ni Joseph. Sari-saring reaksyon ang nakuha ng post na eto na halos hindi mawari kung ano ba talaga ang nararamdaman ng mga netizens dito. Merong mga reaksyon ng pagkadismaya, pagkalungkot, pagkagalit, at ang iba naman ay natatawa.

May mga ganito talagang pangyayari na mahirap iwasan lalong lalo na kung galing lang eto sa hindi kilalang mga tao o di kaya ay establisasyon. Marahil, nagkulang din naman ang mga namamahala dito.

Samantala, may mga netizens na nagtatanong kung kanino eto nabili ni Joseph. Sa kadahilanang ayaw marahil ni Joseph na mapahiya rin ang napagkunan nya neto, minabuti nyang hindi sabihin kung saang bakeshop nya eto nabili.
Larawan mula sa Facebook/Roger Joseph Samulyev Voskovich
Screenshot mula sa Facebook/Roger Joseph Samulyev Voskovich
Ang post na eto ay umabot ng 20,000 shares at 8,000 na reaksyo mula sa netizens. Kung ikaw ang tatanongin, ano ang magiging aksyon mo batay sa ganitong insedente?

Source: Facebook