5-buwan na sanggol tinangay ng Yaya sa Taguig; Magulang humingi ng tulong sa publiko - The Daily Sentry


5-buwan na sanggol tinangay ng Yaya sa Taguig; Magulang humingi ng tulong sa publiko



Ang yaya ng bata | Baby Taylor and  Princess Jean Perrin
Bangungot para sa lahat ng mga Nanay ang mawala sa kanila ang kanilang mga anak.

Sa ulat ng ABS-CBN, nakuhanan ng CCTV camera ang pagtangay ng isang yaya sa limang buwang gulang na sanggol palabas ng bahay sa may Barangay Bambang Taguig City.

Ang nasabing yaya ay kinikilalang si Kristine Joy Morrera Salik (nakalagay sa ID nito) na namamasukan kina Princess Jean Perrin.

Sa panahon ngayon, isa sa mahirap na desisyon ng mag-asawa sa kung sino at saan sila kukuha ng kanilang pwedeng mapagkakatiwalaang yaya na siyang mag-aalaga sa kanilang anak.

Larawan kuha ng CCTV camera

Larawan kuha ng CCTV camera
Kwento ni Princess, ang Ina ng bata, natutulog sila sa mga oras ng mangyari ang insidente, at ikinagulat nalang nila ng magising sila na wala na ang kanilang anak at ang yaya nito.

Ayon pa kay Princess wala pang isang linggong nanunuluyan sa kanila si Kristine Joy, na siya mismo ang komontak sa mag-asawa matapos niyang makita ang post nila sa social media tungkol sa paghahanap ng bagong yaya.

Emosyonal na nananawagan si Princess sa yaya ng bata na ibalik ang kanilang anak, maging man sa publiko na ipagbigay alam sa kanila kung may makakakita sa kanila.

"Kristin, sana.. may anak ka din may apat kang anak, sana ibalik mo na sakin yung anak ko maawa ka. Maawa ka din sa pamilya mo madadamay din sila, pag nakita kita, baka pwede pa kitang patawarin, baka di na kita kakasuhan," panawagan ni Princess sa publiko.

TIN ID ng Yaya.

"Ilabas mo yung anak ko, pag di mo nilabas yung anak ko kakasuhan kita, sisiguraduhin kung mabulok ka sa kulungan,"dagdag niya.

Para sa mga may impormasyon sa kinaroroonan ng bata o ng yaya, maaaring tumawag o magpadala ng mensahe kay Princess sa 09171790393 o sa Taguig City Police Station hotline na 09395047033 at 86423582.

Tumulong nadin ang ibang netizen sa panawagan sa publiko upang mapadali ang paghahanap kay Baby Taylor:

Missing nawawala yung baby nayan si Taylor name nya. 5 months palang sya.. Tinangay ng yaya nya nakita nio ung mukha na to please contact this number 09487686852 and share para kumalat ang mukha ng yaya na yan at mkilala sila para mahanap kaagad si baby. Kawawa naman yung bata walang ka malay malay tinangay na pala sya kung ako to baka maluka nako. please share mga momshie ..

Nag post na din ng panawagan si Princess sa kaniyang Facebook account, at humingi ng tulong publiko. Napag-alaman din nila na pekeng dokumento at ID ang binigay sa kanila. Hindi nadin nila matawagan ang cellphone number ng yaya.

"PPARANG AWA, KAILANGAN KO NG TULONG NIYO. PLS SHARE,"

"NINAKAW ANG ANAK KO NG BABAENG ITO, WALA NA SIYA FB AT DI NA MATAWAGAN CP NIYA. FAKE ID PALA UNG BINIGAY NIYA,"

"PLEASE PLEASE GUYS!! Share. Pupunta ako bukas sa tulfo to broadcast this nationwide. I dont know her real name."






***

Source: abs-cbn.newsmarlene.sopina | Facebook