Isang Parak, paulit-ulit na binatukan, tinadyakan at iniuntog sa poste ang kaawa-awang bata - The Daily Sentry


Isang Parak, paulit-ulit na binatukan, tinadyakan at iniuntog sa poste ang kaawa-awang bata



Larawan mula sa Facebook
Kaawa-awa ang sinapit ng isang bata sa isang nakasibilyang pulis dahil pagkatapos nitong batukan ng ilang ulit ay tinadyakan at tinulak-tulak pa nito ang walang kalaban-labang bata.

Nito lamang Nobyembre 13, 2019, viral sa social media ang video na i-nupload ni Jessica Roxas Flores na may caption na "Grabe ginawa mo sir.. Pulis ka pa naman .." 

Makikita sa cctv footage na sa una ay nakatambay ang ilang kabataan sa gilid ng kalsada at bigla nalang dumating ang hindi naka-unipormeng parak na tila mayroon itong hinahanap.

Makalipas lamang ng ilang sandali ay pinagdiskitahan ng nag-aamok na pulis ang batang walang damit at saka nito paulit-ulit na binatukan, sinampal at tinadyakan.
Larawan mula sa Facebook
Hindi pa dito natapos ang sinapit ng bata dahil pagkatapos pagsasampalin ay iniuntog pa ang kanyang ulo sa isang poste ng kuryente sa gilid ng kalsada.

Wala namang magawa ang mga taong nakapalibot sa lugar kundi panoorin ang ginagawang ito ng pulis dahil narin siguro sa takot na baka sila naman ang makita ng pulis na ito.


Hindi pa malinaw ang dahilan kung bakit nagawa ito ng pulis sa naturang bata.

Sigaw naman ng mga netizens na mabigyan ng hustisya ang sinapit ng bata kung kaya naman walang tigil ang pag-tag sa nila sa istasyon ng Raffy Tulfo in Action.

Ayon sa isang netizen, anong ginagawa ng mga taga barangay bakit pinapanuod lamang nila ang gantong klaseng pangyayari..

Sinabi din ng isang netizen na kahit na ano pa ang nagawang mali ng bata ay hindi dapat ito ang ginawa ng pulis.
Larawan mula sa Facebook
Basahin ang ilang komento ng netizens sa ibaba:

Jorge Fabriag kung tlgang pulis yan dapat kinausap nya lang ng mahusay kc menor de edad pa yan masisibak na sya sa pagka pulis may kaso pa sya.

Abu Nasser Sura Sura'ah Minsan ang naging position ng tao ay nkakaAmnisya dahil inisip na cla na ung astig pero un pala pgdating sa dulo pagsisisi pla ang kinalabasan. kya kaung mga ibang nasa gobyerno jan isipin nu muna bago gagawa ng d maganda.

Kai Nimez Agravante Kahit pa my mga kasalanan ang mga bata di ikaw ang pwedeng manakit at walang pwedeng manakit sa mga bata,bata lang po yan di nga nanglaban eh! Pls share lang g share para makaabot ky sir tulfo

Hindanganon Ko Bai Segurado yan kapag natulfo ito ,,maiihi sa salawal,, abangers hanggang kabanata 9, tuloy ang kaso.. #raffytulfoinaction

Ronnel Guillermo Sorry to say ah. Un iba kaya malakas ang loob at mayabang dahil may BAKAL..

Panoorin ang video sa ibaba:



****