Babae sa viral video na “Nag-usap lang kami," sumagot na sa post ng BF - The Daily Sentry


Babae sa viral video na “Nag-usap lang kami," sumagot na sa post ng BF



Pinagsamang larawan mula sa Philnews at Facebook
Nagbigay na ng saloobin ang babaeng sangkot sa viral video kung saan ay nag-viral sa social media ang kanyang sinabi na “Nag-usap lang kami." 

Matatandaang nag-viral ang video ng isang babae matapos itong i-post ni Carlos Lourence Soriano sa kanyang Facebook account kung saan ay kinokompronta niya ang isang babae na nagcheck-in sa hotel kasama umano ang ibang lalaki na nag-ngangalang Rodney.

Pinabulaanan ng babae na nakilala sa pangalang Marie May Sese Magtibay ang mga patutsada ni Soriano at sinabing hindi naman niya boyfriend ang lalaking ito.


Basahin ang kanyang post sa ibaba: 

Kung yan yung ikagagaan ng loob mo sige. Pero sana Carlos, wag ka naman mandamay. Sinabi ko na sayo lahat. Yung buong side ko. Hindi ko kailangang ipaliwanag sa iba. 

AKO YUNG MALI. Hindi talaga convincing yung side ko pero yun kasi yung totoo. 

Pinalampas ko yung pag iiskandalo mo, at yung mga salita mo. Natakot ako sa inyo dahil ang dami nyo. Hindi ako naniniwalang kakausapin nyo lang yung kaibigan ko. 

Nasasaktan na tayo emotionally. Social media is very powerful infuencer, ayoko na umabot sa point na kailangan pang may masaktan physically bago tayo huminto. 

Gusto ko lang din linawin, hindi kita boyfriend.” 

Larawan mula sa Facebook


Panoorin ang video sa ibaba:



Basahin ang ibat-ibang reaksiyon ng netizens sa ibaba: 

John Neil Cuizon Dami kasi loop hole. Ewan ko lang ah. Kung walang sila but nagtatago pa si rodney??..bakit?

Lozil Dizon Grantuza Kung walang kayu, di ka dapat manghingi ng patawad sa kanya at amimin mo sa kanya na nagkamali ka.. Hindi naman sila pinanganak kahapon para mapapaniwala mo.

Klen Yabsh U Kakahiwalay lang nila kahapon.. Si Rodney kasi nagpakita pa eh... Move on n lang repapips.. Tapos sau girl.. Aminin mo na na may kahati pala xa sa puso mo.. Sabay punta kau sa mcdo..


Mines Lingat Luma tugtugan na yan,ikaw ano sa palagay mo ang pumunta kau ng hotel at sasama ka nalang ba basta sa Hotel na kababae tao, ano gagawin nio dalawa sa luob cge nga,kng maguusap lng tlga madami iba place

****