Babaeng may kanser, kinabiliban ng marami dahil sa pagiging matatag sa buhay - The Daily Sentry


Babaeng may kanser, kinabiliban ng marami dahil sa pagiging matatag sa buhay



Screenshot mula sa post ni Mortel sa Twitter
Ang pagkakaroon ng kanser ay talagang isang nakakadurog sa puso at talagang nakakalungkot. Ngunit sa kabila ng pagkakaroon ng sakit na ito, dapat pa din na hindi tayo mawalan ng pag-asa sa buhay at manatili ang ating pananampalataya sa ating Panginoon.

Hindi rin dapat tayo maging malungkot bagkus dapat din nating enjoyin, maging masaya, at maging positibo ang ating tingin sa ating buhay.


Katulad na lamang sa isang netizen na si Rosette Ella Mortel, 17 taong gulang, na kasalukuyan ngayong nilalabanan ang sakit na kanser, ang pumukaw ng atensyon at nagbigay ng inspirasyon para sa ating mga netizens.

Si Ella Mortel ay mayroong acute lymphocytic leukemia and rheumatic heart disease.

Sa kaniyang Twitter account, ibinahagi ni Mortel ang ilan sa kaniyang mga larawan at nilagyan niya din ito ng caption na sinasabing,

“cancer ka lang may self-confidence ako (ble)”.


Screenshot mula sa post ni Mortel sa Twitter

Ang kaniya namang naging Twitter post ay naging viral sa iba't ibang social media platforms. Ang ilang sa ating mga netizens ang nagbigay ng kanilang iba't ibang reaksyon ukol sa kaniyang post at ipinakita din nila ang pagmamahal para kay Ella.

Ilan sa ating mga netizens ang nagsasabi na kahit siya ay mayroong cancer at nawala na din ang kaniyang buhok, siya ay nananatili pa ding maganda.


Komento ng isang netizen na mayroong username na Lowis,

“Hi sobrang ganda mo, lalo na habang lumalaban ka. MY PRAYERS TONIGHT INCLUDES YOU. WIN THE FIGHT, STAY STRONG AND PRAY. :))).”


Screenshot mula sa post ni Mortel sa Twitter
Ibinahagi naman ng Twitter user na may username na BeautyGeek by Jaklyn ang kaniyang larawan na tila binibigay niya ang kaniyang simpatya kay Mortel at sinabing siya din ay dumaan sa ganoong sitwasyon.

Saad nito sa kaniyang post,

“Yes! Cancer lang yan! Maganda pa rin tayo.”


Screenshot mula sa post ni Mortel sa Twitter
Sa kabilang bamda isa namang Twitter user na si Kenneth Punzalan ang tumulong para sa pagpapagamot ni Mortel na kung saan siya ay nagpost ng financial aid sa pamamagitan ng gogetfunding.com. Apat na beses sa isang Linggo dapat ay sasailalim ang dalaga sa kaniyang chemotheraphy.

Aniya, “They do not have enough resources as their parents already passed away and their allowances are not enough to support the medication.”


Sinabi din nito na ang pera na kanilang maiaabot, kahit magkano, ay tiyak na malaki ng tulong para sa kaniyang pagpapagamot ngayon.

Laking pasasalamat naman ni Mortel sa lahat ng pumuri at tumulong sa kanya. Aniya, "Hindi ko na kayo ma replyan lahat ang dami nyo hehe pero thank you po ng madami opo laban lang hehe iloveyouuuuuuuuuuuu all."

Screenshot mula sa post ni Mortel sa Twitter
Source: Mortel / Twitter