Networker, laking pagsisisi nang alukin ang magbabalut na sumali sa networking - The Daily Sentry


Networker, laking pagsisisi nang alukin ang magbabalut na sumali sa networking




Sa panahon ngayon na marami ang may gusto ng easy money upang matustusan ang kanilang mga luho at pangangailangan, madami ang nae-engganyong sumali sa networking sa pag-asang maiaangat sila nito sa kahirapan.

Hindi naman nakapagtataka na marami ang may gustong pasukin ang networking. Marahil ito ay bunga ng mga nakikita nila sa social media na lifestyle ng mga taong kabilang sa ganitong trabaho.

Ilan lamang sa mga bagay na ipinapakita sa social media ng mga taong nasa networking business ay ang magagarang sasakyan, madalas na pagbabakasyon sa iba't ibang bansa at tseke na naglalaman ng malaking halaga. 

Dahil dito, kumbinsido ang ilan na talagang madali ang pag-asenso bilang isang networker. Ngunit ang kapalaran ni Juan ay hindi kapalaran ni Pedro. Nangangahulugan lamang na kahit naging matagumpay ang ibang miyembro sa networking business, nananatiling mailap pa rin ang swerte para sa ilan sa kabila ng kanilang mga pagsisikap mula nang sila ay mag-invest dito. 

Kaya naman duda ang ilan sa masyadong "promising" na kapalit umano nang pagi-invest ng dito.
Palagay ng iba, exaggerated ang pagpo-promote ng mga networker dito upang makaakit ng mga panibagong miyembro nang sa gayon ay makabawi at kumita.

Isa sa mga nagduda sa ganitong klase ng trabaho ay ang magbabalut na piniling hindi na mapangalanan.

Nabulgar sa netizens ang karanasan ng nasabing balut vendor nang i-share sa Facebook page ng Pepeng Pinakamalupit ang palitan ng chat sa messenger ng nagtitinda ng balut at ng networker. 


Doon, mababasa ang panghihikayat ng networker sa vendor na sumali ito sa networking business na magiging susi umano sa kaniyang pag-unlad. 

Paliwanag ng netwoker sa kanya, makakasali na siya sa Aim Global sa halagang Php 6,980. Kapalit raw nito ay matatamo nya ang kaniyang mga pangarap. 

Sinagot naman ito ng balut vendor at sinabi sa kanya na hindi niya kaya, kaya naman pinayuhan nya ito na maghanap na lamang ng iba.

Sa puntong iyon, sinabihan sya ng networker na dahil sa pagtanggi niya sa offer nito ay pinalagpas niya na ang pagkakataon na magkaroon ng maalwang pamumuhay at maging ang pagkakataong maging isang milyonaryo.


Hindi natinag dito ang magbabalut, bagkus, bumanat pa ito sa sinabi sa kanya ng networker.

Tanong nya sa networker, lahat ba ng sumali sa networking ay yumaman na? Dagdag pa nya, sa tagal nya sa networking ng tatlong taon, bakit OFW pa rin siya sa Saudi Arabia hanggang ngayon at hindi pa rin nakakauwi ng Pilipinas?

Pahiwatig nya sa mapilit na networker, kung talagang napapayaman ng networking business ang lahat ng kasali dito, eh di dapat sana mayaman na rin ngayon ang mismong naga-alok sa kanyang sumali dito.

Hirit pa ni balut vendor, kahit maliit na business lang ang pagbabalut, kumikita siya dito araw-araw, bagay na mahirap mangyari sa mga networker kung araw-araw na kita ang pag-uusapan.

Sa bandang huli, tila nabaliktad na ang sitwasyon dahil ang balut vendor na ngayon ang naga-alok sa networker na mag-invest sa kanyang negosyo.

Ika ng magbabalut, dahil sa mahal ng produkto nila sa networking business, malabo na may bumili dito araw-araw, hindi katulad ng sa kanya na sa bawat sigaw nya ng "balut" ay may tiyak na bibili.

Alok nya sa networker, baka gusto nitong mag-invest sa balutan nya dahil nagpapa-resell umano sya ng mga ito.

Source: howtocare.net