Binata, nag-construction worker para pag-ipunan ang nalalapit na birthday ni GF - The Daily Sentry


Binata, nag-construction worker para pag-ipunan ang nalalapit na birthday ni GF



Larawan mula kay Jezyll Cabudbud
Nakakatuwang isipin na sa isang relasyon ng magkasintahan ay gumagawa ang bawat-isa ng pagsisikap upang maiparamdam ang kanilang pagmamahalan sa isat-isa.

Viral sa social media ang post ng isang babae na si Jezyll Cabudbud, matapos niyang ibahagi ang ginagawang pagsisikap ng kanyang boyfriend na si Steven San Juan para makapag-ipon pera.

Hindi mapigilang ibahagi ni Jezyll sa kanyang Facebook account ang pagiging sweet ng kanyang nobyo.

Ayon sa post, nagpupursigi na maka-ipon ng pera ang binata upang makabili ng regalo at mapaghandaan ang nalalapit na kaarawan ng dalaga.

"I ask him bakit kaylangan nya pang magtrabaho hindi naman kaylangan kasi wala pa naman kami masyadong pinag gagastusan and he answered me," ayon sa caption ni Jezyll.

"Him: para sayo para sa birthday mo, pinag iipunan ko kasi yon para kapag dumating yung araw nayon may maibigay manlang akong regalo sayo miski simple lang," dagdag pa nito. 
Larawan mula kay Jezyll Cabudbud
Larawan mula kay Jezyll Cabudbud
Kwento ni Jezyll, hindi niya inaasahan na kaya palang gawin nito ng kanyang nobyo para lang maiparamdam nito ang kanyang pagmamahal sakanya.

Dahil dito ay napaisip si Jezyll na maswerte pala siya sa kanyang nobyo dahil handa itong ibigay ang lahat ng makakaya niya maiparamdam lang niya ang kanyang magmamahal.

"Bigla nalang akong napaisip, na sobrang swerte ko sa taong to hindi man sya yung lalaking pinaka perpekto sa mundo sya naman yung taong kayang ibigay lahat ng makakaya nya maparamdam lang sayong mahal ka nya." ayon kay Jezyll.

Kaya payo ni Jezyll sa ibang babae, kapag nakahanap sila ng lalaking tulad ng kanyang nobyo na kayang magsakripisyo maiparamdam lang ang kanyang pagmamahal ay wag na nila itong pakawalan dahil bihira nalang umano ang mga lalaking ganito.

"Hindi kagaya ng iba na puro papogi , at puro pasarap lang kaya girls if you have already that kind of man keep nyo sila limited edition nalang sila nagkaka ubusan na hehe just saying love love❤" dagdag pa ni Jezyll.
Larawan mula kay Jezyll Cabudbud
Larawan mula kay Jezyll Cabudbud
Basahin ang buong post ni Jezyll sa ibaba:

"From school pinuntahan ko sya sa sinasabi nyang raket daw nya para kamustahin sya kase for sure pag nasilayan ako non buo na agad araw non and sigurado ako na matutuwa yon so when i came , i ask him bakit kaylangan nya pang magtrabaho hindi naman kaylangan kasi wala pa naman kami masyadong pinag gagastusan and he answered me.

"Him: para sayo para sa birthday mo, pinag iipunan ko kasi yon para kapag dumating yung araw nayon may maibigay manlang akong regalo sayo miski simple lang.


"Ps: " so to make the story short hindi na ako nagsalita that time kasi na speechless nako my heart melts ❤ bigla nalang akong napaisip, na sobrang swerte ko sa taong to hindi man sya yung lalaking pinaka perpekto sa mundo sya naman yung taong kayang ibigay lahat ng makakaya nya maparamdam lang sayong mahal ka nya. hindi kagaya ng iba na puro papogi , at puro pasarap lang kaya girls if you have already that kind of man keep nyo sila limited edition nalang sila nagkaka ubusan na hehe just saying love love❤✨

Inulan naman ito ng mga positibong reaksyon mula sa mga netizen. basahin sa ibaba:

Dennis Pacupac I'm so proud na makita na ginawa gawa lahat ng bagay na para sa mahal nya galing din ako sa mahirap na sitwasyon Minata ni lait at iniwan an dahil mahirap ako saludo ako syo sir at ma'am Kaya natin sir and ma'am congrats Sana di ka magbago sir

John Peter Sana nga lahat ng lalaki ganyan, karamihan kasi ngayon walang alam na trabaho, puro asa lahat sa magulang. pati pang check in hiningi sa magulang.

Nico de Jesus Flex ko lang. naka-limang kilong basura ako kanina. Naibenta ko ng 260pesos. Para lang my maibile ng pang skin ng bebe ko sa ML 😂 loveyou bebe. 🤣🥰😊


****

Source: Jezyll Cabudbud