Guro, huli sa akto ang pananakit! Kurot at sampal ang inabot ng kanyang batang estudyanteng hirap magbasa - The Daily Sentry


Guro, huli sa akto ang pananakit! Kurot at sampal ang inabot ng kanyang batang estudyanteng hirap magbasa



Larawan kuha mula sa ibinahaging video

Lahat ng mga magulang ay panatag ang kalooban sa tuwing alam nila na ang mga anak nila ay ligtas at maayos na pumasok sa loob na ng kani-kanilang mga silid aralan upang matuto, ito ay sa gabay at tulong ng kanilang mga guro na itinuturing nilang pangalawang magulang habang nasa paaralan.

Mainit na nauungkat at patuloy na kumakalat ang mga kontrobersyal na mga usapin at mga kaganapan tungkol sa tamang pagdidisiplina ng mga guro sa kanilang mga estudyante.


Ito'y marahil dahil narin sa naganap kamakailan lamang na kinasasangkutan ng isang guro ng pampublikong paaralan at ng nagrereklamong magulang at lola ng bata na sinasabing pinapahiya ang kanilang anak sa kamay ng guro nito dahil sa pagpapalabas sa klase, at katuwiran ng guro ay isa lang itong paraan ng kanyang pagbigay disiplina sa kanyang mga hinahawakang mag-aaral.

Larawan kuha mula sa ibinahaging video


Tulad nalang ng isang video na kumakalat ngayon sa social media kung saan ipinapakita kung paano pinanggigilang kurutin ng isang guro ang labi ng kanyang mag-aaral.

Ang mga kuha na mga video ay ishinare lang din ng isang Facebook user na si Jham Salinas.

Makikita sa kuha na video ang isang nakaupong guro at ang kanyang batang babae na mag-aaral na nakatayo sa bandang harap niya at tila ay tinuturuan niya itong magbasa upang matuto.

Ngunit tila bigla nalang nag-iba ang ihip ng emosyon ng guro sa kanyang tinuturuang bata at gigil niya itong kinurot sa labi.


Sa pangalawang kuha na video, kita na di na mapigilan ng guro ang kanyang sarili at napagbuhatan niya ng kamay at nasamapa niya ang kanyang estudyante.

Ito ay umani na ng halos 5-million views at 11-thousand shares mula sa mga netizens.



Ito ang pangalawang kuha na video:





***

Source: Jham Salinas

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!