Mga call center agents, ginawang basurahan umano ang isang sidewalk - The Daily Sentry


Mga call center agents, ginawang basurahan umano ang isang sidewalk



Kitang-kita ang effort ngayon ng gobyerno na pagandahin at linisin ang Metro Manila pero tila may mga tao paring walang disiplina at kung saan-saan nagtatapon ng basura.

Tulad na lamang ng isang nagviral na post ng isang netizen na kung saan ibinulgar nya ang umano'y maling gawain ng ilang mga call center sa may Eton Centris.


Sa post ni Katrina Macasa, pinagsabihan niya ang mga call center agents na nagyoyosi sa sidewalk ng Eton Centris.

"Sa mga call center agents na nagyoyosi sa sidewalk ng #EtonCentris. Maawa naman kayo sa mga naglilinis," ayon kay Katrina.

Kitang-kita sa mga litratong kanyang ipinost ang dumi at mga basurang nagkalat. Nakiisa ang mga netizens na nakakita sa kanyang post na dapat linisin ito ng mga call center agents na gumawa nito.


Narito ang mga litrato na ipinost ni Katrina Macasa: