Ingatan mo siya: Ex-BF at bride, naging emosyonal sa harap ng groom - The Daily Sentry


Ingatan mo siya: Ex-BF at bride, naging emosyonal sa harap ng groom



Pinagsamang larawan mula sa AkocAne Kulitz
"Yong ikakasal na sa iba ang mahal mo, Ingatan mo siya." ito ang caption ng video.

Viral sa social media ang video na i-pinost ng AkocAne Kulitz Fun Page kung saan makikitang umiiyak ang isang lalaki sa mismong reception ng kasal ng babaeng kanyang minamahal.

Sa umpisa palang ng video ay makikita na ang pagiging emosyonal ng lalaki kung saan nasa harap nito ang ikakasal na bride at groom.

Sa video, makikitang kahit katabi ng bride ang groom ay naging emosyonal din ito ng makitang umiiyak ang kanyang dating kasintahan at nagawa pa nilang magyakapan sa harap ng stage.
larawan mula sa AkocAne Kulitz
larawan mula sa AkocAne Kulitz
Mapapansin namang kalmado lang ang groom at nakuha pang makipag-kamay sa ex ng bride habang tuloy-tuloy ang hagulhol ng lalaki.

Dahil dito, halo-halong reaksyon ang naramdaman mga netizens dahil sa ginawa ng dating kasintahan ng bride.

Lloyd Dee Parang mahal pah ng babae yong lalaki.parang gusto nya sa labi humalik...sakit para sa lalaki

Maldita Nga Ilongga Aii grabe naman kahit di sakin nangyari kahit inlove ang nararamdaman ko ngayon pero habang pinapanood ko nag unahan nagsi talunan luha ko. Mahal ni girl si boy umiyak din sya. Itigilll ang kasal.

Ey Lucero Eh so kamusta naman si groom? Tlga sa tabi niya pa mismo kaharap buong angkan?

Don ElDwin Prang di na msaya si ate dhil s nangyari. dpat msaya cia s pinakasalan nia bat affected dn,alanganin p ata cia s mga nging desisyon nia.

Andrea Ang mas masakit sa part ng lalaki na ikakasal sa babae. Kitang kita naman kasi na nasasaktan paden yung babae eh.

Enialle Enialle Mostly ata sa ibang bansa, marriage arrangement.. even sometimes they both love each other but they cant be.. bcoz of culture

Panoorin ang video sa ibaba:



****