Ang sampung "Sakit ng Pinoy na Baboy" na dapat baguhin - The Daily Sentry


Ang sampung "Sakit ng Pinoy na Baboy" na dapat baguhin



Matapos maibalita ang pagkakadismaya ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga vendor sa Divisoria dahil sa dami ng basurang nagkalat sa paligid, isang netizen ang gumawa ng listahan ng mga ugali ng Pilipino.
Divisoria / Larawan mula RMN

Sa isang Facebook post ni Rony Gandeza, ibinahagi niya ang listahan ng mga ugali ng Pilipino at tinawag itong “Sakit ng Pinoy na Baboy.”

Maraming netizen ang sumang-ayon sa mga sinabi ni Gandeza at nagbigay rin sila ng kanya-kanyang opinyon patungkol sa usapin na to.
Dismayado at inis si Mayor Isko Moreno dahil sa dami ng basura sa Divisoria

Sa ngayon ay umabot na sa 1.9k reactions, 81 comments at 3k shares ang post ni Gandeza matapos lamang ang limang oras.

Narito ang kanyang buong post:

"Sakit ng Pinoy na Baboy

1. Ang hilig magreklamo...pero sila din naman ang dahilan ng problema.

2. Ang taas mangarap...pero tamad naman. Iinom ng energy drink, pero uupo lang pagkatapos. Parang tanga lang.

3. Puro batikos...wala naman silang mabigay na ibang solusyon.

4. Madalas humihingi ng awa....pero sila di naaawa sa iba.

5. Masunurin kapag nasa ibang bansa....pero kapag nandito ayaw sumunod sa batas. Pasaway!

6. Nakatapos naman sa pag-aaral....pero kung mag-isip parang bobo.

7. Kapos sa pera....pero kung bumili ng alak at bisyo wagas. Tagay pa!

8. Gusto ng equality...pero ayaw nyang maangatan sya ng iba.

9. Ayaw sa corrupt na politiko....pero kapag nabigyan na sila ng cake at chicken joy, fanatic na.

10. Galit sa trapik....pero ayaw namang sumunod sa tamang tawiran at babaan.

Sana daw para tayong Singapore. Doon kapag nag kalat ka, SG$300 - SG$5,000 ang multa.

Tang'na, upos nga ng sigarilyo di mo pa maitapon sa basurahan!

Ang larawan (Kuha kaninang umaga lang) ng isang malungkot na alkade ng Maynila habang tinitignan ang isang kalyeng binaboy ng mga......baboy na Pinoy.

Pwede bang paki share nyo sa mga may ugaling baboy."

Narito ang iba't-ibang komento ng mga netizens:




***