Regine Velasquez nagbigay ng kanyang reaksyion sa viral video nila ni Catriona Gray - The Daily Sentry


Regine Velasquez nagbigay ng kanyang reaksyion sa viral video nila ni Catriona Gray



Ikinatuwa ng mga netizens ang reaksiyon ng singer na si Regine Velasquez sa viral video niya na kumalat sa social media noong Linggo, November 10. Mapapanood sa video ang eksena kung saan kasama ni Regine sa stage si Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Miss Universe 2018 Catriona Gray at Asia's Songbird Regine Velasquez / Larawan mula Newsko

Makikitang kahit ang Asia’s Songbird ay na-starstruck sa ganda ni Miss Universe. Unang na-upload ang video sa Twitter na may kasamang caption na “Same Ate Reg…Same…”.

Sa isang interview ng Philstar kay Regine, ibinahagi nito ang kanyang reaksiyon sa video na hindi niya alam na nag-viral.

Di ko alam eh. Bakit? Eh nakakatuwa kasi siya eh. ‘Yung sa Frontrow ba yan? Ahh oo kasi tinitignan ko siya, ang tangkad tapos ang payat payat, ang ganda ganda. Alam mo ‘yun, parang pinapanood ko ‘yung Miss Universe,” sabi ni Regine.
Miss Universe 2018 Catriona Gray at Asia's Songbird Regine Velasquez / Larawan mula Wheinmanila

Ikinuwento rin ni Regine ang naging pag-uusap nila ni Catriona.

I was telling her after, I didn’t know that she sings. Actually, I told her na, ‘Continue singing ha,’ and then she said, ‘Yes, I really want to and I want to learn more.’ Ang sabi ko, ‘Go, the best teacher is your experience’,” kwento ni Regine.  

Nakakatawa ba ko do’n? Eh kasi natutuwa ako du’n sa sinasabi niya. Ang ganda ganda kasi niya at ang ganda niyang magsalita,” dagdag nito.

Samantala, nagpost din ng video si Catriona sa kanyang Instagram account at sinabing masaya siyang makasama sa stage ang ilang sikat na tao sa bansa tulad nina Regine, Gary Valenciano, Sharon Cuneta, Anne Curtis at Vice Ganda.

Narito ang video ni Regine Velasquez:




***
Source: Philstar