Lalaki Pinagmumura ang isang Cashier dahil sa Nakalimutang Ibigay na Siopao Sauce! - The Daily Sentry


Lalaki Pinagmumura ang isang Cashier dahil sa Nakalimutang Ibigay na Siopao Sauce!



Photo credit to Rjay Nucom's Facebook account

Isang insidente sa convenience store sa Calumpit Bulacan ang talaga nga namang pumukaw ng atensyon sa mga taong naroon dahil sa kagulat-gulat na reaksyon at ginawa ng isang lalaki sa cashier na naka-duty noong araw na iyon.

Isang concern netizen ang kumuha at nag-upload ng video na talaga nga namang nag-viral online na kinainisan at ikinagalit ng napakaraming nakapanood sa video.






Photo credit to Rjay Nucom's Facebook account
Noong nakaraang buwan ipinost ng Facebook user na si Rjay Nucom ang viral video kung saan makikita ang isang lalaki na nasa loob ng isang convenience store at pinagsisigawan ang cashier.

Ayon kay Rjay, nasa loob sila ng store ng biglang pumasok ang lalaki na galit na galit at bigla na lamang nag-mumumura. Ang dahilan?.. Siopao sauce!

Paglapit pa lamang daw sa counter ay binalibag ang dalang siopao na binili niya doon dahil wala daw sauce itong kasama. Kaya napilitan pa syang bumalik uli sa naturang store upang kumuha nito.

Photo credit to Rjay Nucom's Facebook account
Nag-paumanhin naman diumano ang cashier pero galit talaga ang lalaking customer at bago umalis at mag-walkout ay minura at pinagsabihan pa daw nito ng masama ang kawawang cashier.





Basahin ang buong kwento sa ibaba:


Screenshot of Nucom's post | Credit to his Facbook account


"TIME CHECK:

6:38PM, @ 7'11 CALUMPIT.

May isang lalaki pinagmumura ang isang cashier ng dahil lang daw po sa wala daw pong sauce yung binili niyang siopao.

Ka grabe naman po umasta kuya. Sauce lang po yan! Nanggaling din ako sa ganyang trabaho. Hindi mo alam ang pagod ng mga yan para mura murahin mo lang. Hindi naman po ata makatao tong inasta mo!

Nakakapanlumo lang na kapwa mo pinoy minamaliit mo!

#NoToMayayabang

PS: Eto yung buong pangyayari.

Nasa loob po kami ng 7'11 sa kadahilanang bumibili po kami ng GULP. Nagulat nalang kami na may lalaking pumasok at nagmumura agad pagpasok. Pagkabukas ng pinto ng 7'11 mura agad ang bungad. Lumapit sa cashier. Binalibag yung siopao na binili galit na galit kasi wala daw sauce yung binili niya. Pinagmumura na po yung cashier. Galit na galit si kuya. Hindi ko po nakuhaan yung eksena na pagpasok niya at unang paglapit sa cashier. Nabigla po kasi kami. Hindi ko pa naisip magvideo nun. Nagsorry po si kuyang cashier dahil nakalimutan daw po niya lagyan ng sauce dahil siguro sa pagod o anu pa man. Hindi man dinig sa video ang paghingi ng sorry ni kuyang cashier pero humingi po talaga siya ng paumanhin. At makikita sa video na parang tumatawa si kuyang cashier. Tumatawa po siya dahil magkausap sila ng kapwa niya cashier dahil pinagsasabihan siya na magpasensya nalang. Pero kalmado po si kuyang cashier kaya yung ngiti niya parang okay lang sakanya kasi may mali din naman siya. Salute po sayo kuyang cashier."





Panoorin ang buong video sa Link na ito.

Source: Facebook / Rjay Nucom