Nanay at kasintahan ng lalaking nag-viral dahil sa pangungutang ng 7k, rumesbak - The Daily Sentry


Nanay at kasintahan ng lalaking nag-viral dahil sa pangungutang ng 7k, rumesbak



Matapos mag-viral ang post ng netizen na si Ikade Abadiano patungkol sa kaibigan niyang nangungutang ng 7 thousand pesos, to the rescue kaagad ang kasintahan at ina ng kanyang kaibigan.

Ikade Abadiano / Larawan muna sa kanyang Facebook account

Ayon sa unang post ni Abadiano, nangungutang umano ang kaibigang si Ray John ng 7k sa kanya dahil birthday umano ng kanyang kasintahan.

Hindi napautang ni Abadiano ang kaibigan dahil kailangan din nito ang pera pambili ng gatas at diaper ng kanyang anak. Dito na nagalit si Ray John at tinawag na “madamot” ang kaibigan.

Dahil dito ay ipinost ni Abadiano ang naging usapan nila ni Ray John sa Facebook kung saan nag-viral ito at naging maingay sa social media.


Matapos ang ilang araw, muli namang ibinahagi ni Abadiano ang mensahe sa kanya ng kasintahan at ina ni Ray John.

Ayon sa screenshots na ibinahagi ni Abadiano, sinabihan siya ng kasintahan ni Ray John na sana raw ay hindi na niya ipinost ang kanilang naging usapan.

Narito ang mga screenshots mula kay Abadiano:



Pati ang nanay ni Ray John ay nag-message kay Abadiano at sinabihan siyang masamang kaibigan. 

Ayon sa ina ni Ray John, dapat raw ay hindi na ipinost ni Abadiano ang usapan nila ng kanyang anak. Sinabi rin nitong naging maayos raw ang kanilang naging trato sa kanya nang siya ay nagpunta sa kanilang bahay.


Sinagot naman ito ni Abadiano at sinabing 'deserved' ito ng kanyang anak. Dito narin binanggit ni Abadiano ang mga utang ni Ray John na lagpas dalawang taon na pala.


Dagdag pa ni Abadiano, siya raw ang bumili ng pang hapunan nila nung siya nagpunta sa bahay ng kaibigan. 



Sa ngayon ay burado na ang post na ito ni Abadiano patungkol sa kasintahan at nanay ni Ray John.

Narito naman ang screenshots ng usapan ni Abadiano at Ray John.







***