Nanay, humihingi ng tulong para sa nakakapanlumong kalagayan ng kanyang anak - The Daily Sentry


Nanay, humihingi ng tulong para sa nakakapanlumong kalagayan ng kanyang anak




Isang nakapapanlumong kondisyon ng bata ang makikita sa video na in-upload ng isang netizen. Ang uploader na nagngangalang si Zendy Aldavetogueno ay kinunan ang bata na may kahabag-habang na karamdaman. 

Ayon sa caption, anak ni Aldavetogueno ang bata na may nakakaawang kalagayan.

"Sana maoperahan kana anak", banggit nya. 

Mababasa rin sa caption ng naturang video na kinakailangang maoperahan ang bata na kinilalang si Baby Yuhan. 

Humihingi ng tulong si Aldavetogueno sa sinomang may busilak na kalooban upang maibigay ang nararapat na atensyong medikal para sa bata. 

Habang naliligo ang bata, makikita sa video na tila nakalabas ang malaking parte ng loob ng tyan nito.

Saad ng netizen, "ligo2x Lang Ang baby Yuhan , Sana maoperahan kana anak Sana my mga mabuting puso Ang makapansin at tumulong sa atin para maoperahan kna .."

Tila nanawagan din si Aldavetogueno sa iba't ibang programa gaya ng Kapuso Mo, Jessica Soho at sa Raffy Tulfo in Action gamit ang hashtag na # KMJS #RAFFY TULFOin action at #wish ko lang para magbakasakaling humingi ng tulong. 

Ikinalungkot rin ng mga netizen ang kaawa-awang sitwasyon ng bata.  Sa kasalukuyan, umani na ng 1.2 million views ang nasabing video na may 34k shares, 10k reactions, at 4.2 comments.