Nasaan na nga ba si Stefano Mori? Eto na pala ang buhay niya matapos umalis sa showbiz - The Daily Sentry


Nasaan na nga ba si Stefano Mori? Eto na pala ang buhay niya matapos umalis sa showbiz




Karamihan siguro sa atin ay naalala pa ang sikat na teen actor noong 1990s na si Stefano Mori. Siya ay nagsimula bilang isang child star sa industriya ng showbiz sa Pilipinas.

Siya ay naging popular na teen actor dahil sa kaniyang mga papel na ginampanan sa iba't ibang teleserye at pelikula katulad ng 'May nagmamahal sa iyo' kung saan siya ay nakatanggap ng isang award noong 1996 na 'The Best New Actor'. Isa pang pelikula na kaniyang ginawa na pinamagatang 'Ang TV Movie: The Adarna Adventure' ang pumatok sa masa nang parehas na taon.


Sa kaniya namang mga teleserye, siya ay gumanap sa sikat na mga teleserye noon kagaya ng Flames, Mula Sa Puso, Marinella, at G-mik noong 1999. Si Stefano ay gumanap na isa sa mga lead role sa teleserye na G-mik kasama ang kaniyang dating ka-love team na si Camille Prats at si Angelica Panganiban.


 Bukod pa dito, ipinakita niya din ang kaniyang talento sa larangan ng musika. Siya ay isa sa mga miyembro ng dating sikat na banda na JCS kasama sina Carlo Aquino at John Prats. Ipinangalan naman ang kanilang banda sa initials ng pangalan nilang tatlo. Marami naman sa ating mga netizens at manonood noon ang humanga sa kanilang banda dahil sila kadalasan nilang ginagawang local versions ang ilan sa mga kanta ng sikat na international bands noong 1990s kagaya na lamang ng 'Blink 182' at 'Green Day'.


 Noon 2002 naman, maraming mga fans ang nagulat at nalungkot nang maghayag si Stefano na siya ay aalis na sa mundo ng showbiz sa hindi sinabing dahilan. Gayunpaman, maraming mga naging balita noon na sinasabi na babalik na daw si Stefano sa Italy. Dahil dito, ang JCS Band din ay nawala na ng permanente.


Dahil na rin sa mga pangyayari at ilang taon na din ang nakalipas, marami sa kaniyang mga fans ang nais malaman kung ano na nga ba ang balita sa kaniya o kung ano na ang nangyari sa batang actor matapos niyang umalis sa mundo ng showbiz.

Sa isang video clip na in-upload sa YouTube ng The Pinoy Channel, makikita dito na si Stefano Mori ay isa ng businessman. Sa katunayan nga niyan ay isa na siya ngayong may-ari ng sikat na Italian restaurant na 'Casa Italia' sa Italy at sa Palawan. Ang kaniyang itinayong restaurant din ay mayroon ng branches sa iba't ibang lugar sa buong mundo.


 Kung ang pag-uusapan naman ay kung kamusta na ang kaniyang personal na buhay ngayon, mas pinili pa din ng dating actor na hindi ito ibahagi at panatilihin itong pribado. Ngunit, mayroong ilang balita na kumakalat noon na siya ay engage noong 2016, ngunit, hindi pa rin malinaw kung ang nagpakasal na nga ba sila ng kaniyang longtime partner o hindi pa.

Source: Pixelated Planet