Salawahang misis na OFW, ini-reklmo ni mister, nais ipa-deport ni Raffy Tulfo sa Pinas - The Daily Sentry


Salawahang misis na OFW, ini-reklmo ni mister, nais ipa-deport ni Raffy Tulfo sa Pinas





Mga larawan hango mula sa Youtube



Dumulog sa himpilan ni Idol Raffy Tulfo ang mister kasama ang kanyang dalawang paslit na anak upang isumbong ang misis na OFW dahil sa panloloko nito sa kanya.

Ayon sa Mister, na kinilalang si Joco Diaz Francisco, 27 years old, isang tricycle driver mula sa Antique at ang asawa nitong si Marietta Francisco, 25 years old, isang domestic helper sa Oman, may dalawang anak ang mag0asawa at pawang mga musmos pa ang mga ito.

Nadiskubre ang panloloko dahil sa mga ka-chat nito sa Facebook

Pahayag ni Joco, nadiskubre ni Joco ang mga panloloko nito sa kanya dahil sa pakikipag-chat nito lalaki na di umano ang naging karelasyon nito.

At higit sa masaklap pa nito ay hindi lamang daw iisa ang lalaking naging karelasyon ng kanyang misis, kundi marami. Kaya naman pumunta na sya kay Sir Raffy Tulfo upang humingi ng tulong.

Dagdag pa ng mister nakita nya mismo sa Facebook account ng misis na ilang lalaki ang nahuli niyang ka-chat ka-chat nito.  

Nagawa daw umano niyang ma-hack ang Facebook account ng asawa at doon niya nadiskubre ang mga panloloko nito sa kanya. Maging sa pinagta-trabahuhan nito sa Oman ay may karelasyon din umano itong Pakistani.

Kaya naman kinausap ni Idol Raffy ang mga nasabing lalaki na ka-chat ni Marietta at isa-isa nyang pinagsabihan ang mga ito na tigilan na ang pakikipag-chat sa misis ni Joco.

Nang makausap naman ni Sir Raffy ang inirereklamong si Marietta ay itinanggi nito na may relasyon siya na Pakistani na tinukoy ni mister.

Nalaman din ni idol Raffy mula sa Agency ni Marietta na binigyan na pala nila ng babala ang ginang kaugnay ng larawan nito sa Facebook kasama ang Pakistani. *

Nais na lamang pauwiin sa Pinas at misis kaysa mapahamak pa ito

Dahil dito, hiniling ni Sir Raffy tulfo na pauwiin na lamang sa bansa si Marietta dahil baka malagay lamang sa lapahamakan ang buhay nito sa Oman. Wala namang pagtanggi ni Marietta at agad na sinang-ayunan naman ito.

Kasalukuyang nasa Moroco pa si Marietta kasama ang kanyang mga amo para sa isang bakasyon ngunit natyempuhan naman ng staff ni Idol Raffy na macontact ito, kaya naman nakausap si Marietta at ang kanyang mister.

Pinaalalahanan na din ni Sir Raffy ang misis na itigil na ang kanyang pakikipag-uganayan sa ibang mga lalaki lalo na at nasa Oman ito. Nangangamba ang beteranong host na baka ikapahamak ito ng misis.

Pumayag naman si Marietta na umuwi na lamang sa Pilipinas upang ayusin ang problema nilang mag-asawa alang-alang na lamang sa kanilang mga anak.

Nangako ang misis na muli silang mag-uusap ng mister kaharap mismo si Sir Raffy pagbalik nito sa Oman, upang maging maayos ang hindi nila pagkaka-intindihan.

Larawan hango mula sa Youtube


Tulong pinansyal para sa mag-aama

Hindi naman napigilan ni Tulfo ang mahabag sa sitwasyon ng mag-aama lalo na nang malaman nya na siyam na araw pala itong natulog sa labas ng tanggapan ng TV5 para lamang makausap sya.

Agad namang  binigayan ni Sir Raffy Tulfo ng pamasahe ang mag-aama upang makabalik na muna sa Antique, at pinabaunan pa ito ng kaunting pera upang may pang-gastos ang mga ito.

Samantala, isa namang dayuhan na complainant din sa programa ni idol ang nag-abot ng tulong para kay Joco nang makita ito.


Source: YouTube