Singaporean pinagsabay ang magpinsang pinay na parehong kasal sa mga asawa - The Daily Sentry


Singaporean pinagsabay ang magpinsang pinay na parehong kasal sa mga asawa






Mga larawan mula sa Youtube/Raffy Tulfo in Action


Dumulog sa programang Raffy Tulfo in Action ang isang Singaporean para ireklamo at pananagutin di umano ang dating caregiver ng ama nito na naging karelasyon nya din.

Nakilala ang Singaporean na si Choo Chai Huah, anito nais nyang singilin ang dating taga pag-alaga ng ama, na kinilalang si Mary Jane Desamito na di umano’y tumangay ng kanilang pera.

Gustong pagbayarin ng Choo si Desamito  ang naging nakarelasyon dahil sa mga nakuha nitong pera sa kanya. 

Hindi nakaw bagkus regalo

Sa kabila nito, mariing pinabulaanan ni Mary Jane ang paratang ng Singaporean na tinangay di umano nya ang pera mula sa Singaporean.

Paliwanag pa ni Mary Jane, ang nasabing pera ay bigay sa kanya ni Mr. Choo noong nagtatrabaho pa siya sa kanila bilang bonus dahil sa kasipagan nito sa trabaho.

Dagdag pa ng dating caregiver, kaya siya umalis sa poder ng dating amo ay dahil hindi nya matanggap na may ibang karelasyon si Mr. Choo samantalang sila pa nito.

Higit pang masaklap dito, ang bagong karelasyon ni Choo ay walang iba kundi ang kanyang pinsan na si Jonalyn,  na may anak na rin at kasal pa sa kanyang Pinoy na asawa dito sa Pilipinas at si Mary Jane din ang nagrekomenda dito para makapagtrabaho.

Pahayag naman ni Mr. Choo, may kalakihan ang nakuhang pera ni Mary Jane. Ito ay umabot na halos sa 11 Million piso ang halaga maging mga alahas na naibigay niya sa dating caregiver at karelasyon. 

Mga larawan mula sa Youtube/Raffy Tulfo in Action

 
Magpinsan pinagsabay

Samantala, umalma naman ang asawa ng pinsan ni Mary Jane na si Jonalyn, at nais nyang sampahan ng kaso ang dating asawa at ang Singaporean.

Sa katunayan, sumama rin ito sa himpilan ni Raffy Tulfo upang makausap ang asawang si Jonalyn at sabihin ang mga hinanaing ito sa asawa.

Ayon sa asawa ni Jonalyn, meron syang video bilang ebidensya na magpapatunay na may relasyon nga ang asawa nito at ang amo nito.

Sinasama sin daw ni Jonalyn ang kanilang anak sa condominium ng Singaporean at maging sa bahay ni Jonalyn sa Baguio.

Ayon pa sa kwento ng asawa, nagsusumbong daw ang kanilang anak sa kanya tungkol sa mga di kanais-nais na ginagawa ng kanyang ina at ng Singaporean.

Dagdag pa ng asawa, mayroon silang ebidensya na isang video na magpapatunay na si Jonalyn nga ay may relasyon ng Singaporean. 

Subalit ang nasabing video ay isang nakaw lamang di umano ni Mary Jane sa cellphone ni Choo, kaya hindi raw ito maaaring gamitin bilang ebidensya sa korte.

Ngunit, nagawang aminin din nina Choo at Jonalyng  na may relasyon nga sila kaya naman ito ang maaring gamiting ebidensiya kapag nagsampa ng kaso ang mister ni Jonalyn, ayon kay sir Raffy Tulfo.